HABANG pinagmamasdan ni Dax si Hiyasmin ay bigla naman niyang naalala ang nangyari kaninang madaling araw na napasukan niyang naliligo ito sa banyo. May katwiran na bosohan si Hiyasmin ng stepfather nito dahil napakaganda—lalo na kung hubad. Parang diyosa si Hiyasmin habang nasa tapat ng dutsa! Makinis ang kutis! Maganda ang katawan!
Dahil sa pag-iisip na iyon, hindi naririnig ni Dax ang itinatanong ni Hiyasmin.
“Ipagtitimpla po ba kita ng kape, Sir Dax?’’
Patuloy si Dax sa pag-alala sa nakita sa banyo.
Kinublit siya ni Hiyasmin.
“Sir Dax!’’
Nagulat si Dax sa kublit ni Hiyasmin.
“Ha? May sinasabi ka Hiyasmin?’’
“Ipagtitimpla po ba kita ng coffee?’’
“Ha? A e oo. Please, Hiyasmin.’’
“Ang lalim ng iniisip mo Sir Dax!’’
“Oo nga! Yung trabaho ko ang aking iniisip… mali yata ang nagawa ko, he-he-he!’’
“Kasi parang ang ganda ng naiisip mo, Sir Dax.’’
“Bakit nakangiti ba ako?”
“Opo. Parang siyang-siya ka sa iniisip!’’
Itutuloy