Hiyasmin (91)

Sabado. Pinunta­han nina Dax at Hi­yasmin sina Tatay at Nanay sa Fairview para sunduin. Nag-taxi sila. Natrapik sila sa Commonwealth Ave­nue.

“Matagal na ba kayong nakatira sa Fairview, Sir Dax?’’

“1988 pa.’’

“Ang tagal na pala!’’

“Dati hindi pa ga­nito kalapad ang Com­monwealth pero nga­yon ilang lane na. At magkakaroon na ng MRT.’’

“Marami pa sigurong puno rito noon ano, Sir Dax?’’

“Oo.”

Maya-maya, si­na­bihan ni Dax ang taxi drive na kumanan. Pu­masok sila sa isang subdibisyon na may guwardiya. Magaganda ang bahay.

“Malapit na tayo.’’

Sinabi ni Dax sa drayber na itigil sa tapat ng green na bakod. Binayaran niya ang taxi fare. Bumaba sila. Agad umalis ang taxi.

Kinatok ni Dax ang gate. Lumabas ang nanay niya. Tuwang-tuwa nang makita si Hiyasmin. Bi­nuksan ang pantay taong bakal na gate.

“Sabi ko na nga ba at sasama ka,’’ sabi nito sabay yakap kay Hiyasmin.

“Nahulaan mo Nanay na kasama ko si Hiyas­min?” tanong ni Dax.

“Oo. Kutob ko. Ha­l­ika sa loob Hiyasmin.”

Pumasok sila. Hi­nawakan pa ng nanay ni Dax sa kamay si Hi­­yasmin habang pa­pasok sa bahay. Da­mang-dama ni Hiyasmin na masa­yang-masaya ang ma­tanda.

(Itutuloy)

Show comments