Hiyasmin (67)
“Halika na Dax, kumain ka na,’’ tawag ng kanyang nanay. “Nakapagluto na si Hiyasmin. Napakasarap ng sinigang na bangus!’’
“Opo. Magbibihis lang.’’
Hinarap ng matanda si Hiyasmin.
“Sige na Hiyasmin ako na ang bahala rito. Alam kong marami kang pag-aaralan dahil graduating ka na. Ako na ang maghuhugas ng pinggan.’’
“Salamat po Nanay.”
“E kung maghapunan ka muna? Para tuluy-tuloy ang pag-aaral mo ng lesson.”
“Mamaya na po. Nagmeryenda po kasi ako kanina.”
“Sige. Kakain na kami kasabay ni Dax.”
“Opo.’’
“Ang sarap kasi ng sinigang mo.’’
Napangiti lang si Hiyasmin at nagtungo na sa kuwarto niya.
Naghain na ang matanda. Tinawag ang asawa pagkatapos.
Lumapit na si Dax.
Kumain sila. Sarap na sarap ang dalawang matanda sa luto ni Hiyasmin.
Kinabukasan, kinausap ni Nanay si Dax.
“Dax, huwag mo nang singilin nang malaki sa renta si Hiyasmin. Siya pala ang nagluluto ng hapunan mo at siya rin ang naghuhugas ng pinggan.’’
Napangiti si Dax.
“Paano naman ako kikita?’’
(Itutuloy)
- Latest