Hiyasmin (63)

“KUNG alam namin na may boarder ka e di hindi na sana kami pumunta,’’ sabi ng nanay ni Dax.

“Bakit naman Nanay?’’

“E wala kaming tutulugan dahil nga sa boarder mo.”

“Puwede naman kayo sa room ko at dito ako sa sopa.’’

“Ikaw itong matutulog sa sopa. Kakahiya naman!’’

“E ano naman kung dito ako matutulog?’’

“Ibig kong sabihin e ikaw ang kawawa. May-ari ng bahay pero sa sala matutulog.’’

“Okey nga lang ‘yun.’’

“Paano nga pala ang pagkain ng boarder mo?’’

“Nagluluto siya—kung min­san nagpapadeliber,’’ sabi ni Dax.

“Sino ang nauuna sa inyo sa pagdating dito sa bahay sa hapon?’’

“Siya—’yung boarder ko. May susi siya.’’

Napatango na lang ang nanay ni Dax.

 

KINABUKASAN, maagang umalis ng bahay si Hiyasmin—may project siyang tatapusin at kailangang mag-research.

Nagpaalam siya sa nanay at tatay ni Dax na nakaupo sa sopa.

“Aalis na po ako. Maaga pong pasok ko.’’

Nakatingin lang ang mag-asawa. (Itutuloy)

Show comments