Sinabi ni Hiyasmin ang babayaran sa buong semester. Kabisado na niya dahil mula nang magkolehiyo, siya na ang nagpapaaral sa sarili. Alam na niya more or less ang babayaran.
Tumayo si Dax.
“Wait ka lang Hiyasmin at kukuha ako ng pera.’’
“Opo Sir Dax.’’
Pumasok siya sa kuwarto.
Makalipas ang wala pang limang minuto lumabas na si Dax sa kuwarto hawak ang white envelope na may lamang pera.
Naupo at ibinigay kay Hiyasmin ang white envelope.
“Kung sosobra yan, ibili mo ng libro o kung ano pa mang kailangan mo. Kung kulang, pumunta ka rito o i-text mo ako. Puwede mo rin akong tawagan. Eto ang number ko,’’ sinabi kay Hiyasmin ang CP number.
“Salamat po uli Sir Dax. Pangako ko po, pagbubutihin ko ang pag-aaral. Kapag nakatapos ako at nakapagtrabaho, babayaran kita.’’
“Sige pagbutihan mo, Hiyasmin.’’
“Aalis na po ako, Sir Dax. Ia-update po kita sa mga nangyayari sa akin.’’
(Itutuloy)