^

True Confessions

Hiyasmin (5)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Lumipas ang mga araw at walang dumarating na tao sa bahay ni Dax para kunin ang napulot niyang ID.

Buong araw ng Sabado at Linggo ay nasa bahay si Dax pero walang dumara­ting na tao. Walang nagta-“tao po” para magtanong kung may nakitang ID.

Naisip tuloy ni Dax na baka nadukutan ang may-ari ng ID at itinapon ang mga nadukot kabilang ang ID.

Kaya isang pasya ang naisip niya: tatawagan niya ang pabrika na gumagawa ng sitsirya at itatanong kung may empleyado roon na HIYASMIN­ ELCRUZ. Hindi siya titigil hangga’t hindi naisasauli ang ID ni Hiyasmin.

Kinabukasan, habang breaktime sa opisina, tinawagan niya ang pabrika sa number na nakasaad sa ID.

Babae ang naka­sagot sa kanya.

“Good morning­, magtatanong lang kung may employee kayo na ang name ay Hiyasmin Elcruz?’’

“Hindi na po pu­mapasok yan, Sir. End of contract na po siya. Bakit po ba Sir?’’

“Kasi ang company ID niya napulot ko, one week na sa akin.”

“Ganun po ba?’’

“May address po ba siya sa inyo Mam?’’

“Meron po pero hindi puwedeng ibigay—company policy po.’’

“Paano ko kaya maibi­bigay ang ID sa kanya?

“Itago mo na lang Sir at baka biglang kunin sa iyo.’’

“A sige, ganun na lang. Thanks, Mam.’’

Hinintay na nga lang ni Dax na may maghanap sa ID. Hindi na niya ito binig­yan ng pansin.

(Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with