^

True Confessions

Suklam (161)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano bang month ang prefer mo na pakasal tayo, Leah? Ako, April or May,’’ sabi ni Brent.

“Aba gusto ko rin ang Abril at Mayo. Maganda ang panahon ng mga buwan na yun. Maaliwalas ang langit.’’

“Akalain mo parehas na naman ang gusto natin.’’

“Ako kaya gusto ang Abril at Mayo na wedding month dahil sa paniniwalang kapag maaliwalas ang panahon, maaliwalas din ang pagsasama ng bagong kasal. Nalaman ko kasi kay Mama na ikinasal sila ni Papa ng Agosto. Panahon ng tag-ulan at makulimlim ang langit—at ang resulta ng pagsasama nila naging ma­dilim. Lumuluha ang langit.’’

Napatangu-tango si Brent. May katotohanan nga ang sinabi ni Leah dahil nagtaksil ang papa niya habang nasa Hong Kong ang mama niya. Nasira ang pagsasama.

“Ang parents mo Brent, anong month sila ikinasal?”

“Sa pagkaalam ko, Hulyo sila ikinasal. Hindi ako sure.’’

“Makulimlim na buwan din ang Hulyo.’’

“Oo nga. Baka kaya nasira ang pagsasama nila?’’ sabi ni Brent.

“Sabagay opinyon ko lang naman ang Hulyo at Agosto na hindi magandang buwan para sa pagpapa­kasal. Pero wala namang ma­sama kung pipili nang maganda at maaliwalas na buwan.”

“Oo Leah. Pero talagang gusto ko na makasal tayo ng Abril at Mayo.’’

“Yes, Brent. Gustung-gusto ko ang months na ‘yan.” (Itutuloy)

vuukle comment

LEAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with