“Hindi naman siguro bawal sa’yo ang uminom Brent. Gusto ko samahan mo ako sa pagkakataong ito na nagsasaya dahil sa pagkawala ng babaing kinasusuklaman ko. Ikaw lamang ang tanging tao na nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin ni Vivian,’’ sabi ni Julio na halatang natutuwa.
“Sasamahan kita, Julio. Hindi kita iiwanan. Noon pa, gusto na kitang makilala para maisumbong ang ginagawa ni Vivian pero hindi ko magawa dahil nag-aalangan pa ako kung maniniwala ka sa akin. Tinimbang ko muna ang lahat bago ako lumapit sa iyo.’’
“Salamat muli sa pagmamalasakit mo Brent.’’
“Puwede na tayong mag-inuman, Julio. Sasamahan kita sa pagsasaya.’’
“Maraming salamat, Brent.”
“Kung gusto mo, sa bahay tayo magselebreyt para kung maparami ang nainom natin, e di walang problema. Puwede kang matulog dun. Isa pa, ipakikilala kita kay Tatay.’’
“Bah, good idea! Alam mo bang nun ko pa gustong makarating sa inyo?’’
“Sige tara na.”
“Mas mabuti yata Brent e mag-takeout na tayo ng pagkain at pulutan. Damihan na natin para rin kay Tatay mo.’’
“Kung yan ang gusto mo, Julio.”
(Itutuloy)