“NAKITA ko sa pagkakataong iyon kung gaano katatag si Mama at mayroon siyang paninindigan. Kung ano kabigat ang ginawang kasalanan sa kanya, ganundin kabigat ang dapat ibalik sa nagkasala. Walang kapatawaran ang ginawa ni Papa.
“At sinusuportahan ko si Mama sa ginawa niya kay Papa na pinagtabuyan ito. Damang-dama ko ang sakit na naramdaman ni Mama sa ginawa ni Papa kaya nararapat lamang na ganundin ang gawin niya rito. Habang yakap namin si Mama, nakikita ko pa sa aking imahinasyon ang paglayas ni Papa para pakisamahan ang babae niya. Sarili lamang niya ang naisip at natiis kaming magkapatid—walang pusong ama!’’
Tumigil si Leah sa pagsasalita at humugot nang malalim na buntunghininga.
“Hindi na nagpakita ang iyong papa?” tanong ni Brent.
“Hindi na. Hanggang sa may magbalita sa amin na patay na raw si Papa.’’
(Itutuloy)