Suklam (113)

Pagkatapos mabayaran ni Brent ang biniling damit para sa aanakin niya sa binyag, lumabas na siya at nagtungo naman sa bookstore para bumili ng ballpen at iba pang kailangan niya. Kung may magugustuhan siyang libro ukol sa mystery ay bibilhin niya.

Nang makabili ng ballpen, bondpaper at iba pa, sa Filipiniana book section naman siya nagtungo. Mga tungkol sa kababalaghan at misteryo ang paborito niyang basahin. Sa katunayan, marami na siyang koleksiyon ng mga libro na tumatalakay sa kababalaghan at mga kuwentong supernatural.

Tamang-tama, isang bagong libro ukol sa mga kababalaghan ang nakita niya. Nang huli siyang magtungo rito sa bookstore ay wala pa ang librong ito. Makapal ang libro at nagkakahalaga ng P500. Binitbit niya at binayaran.

Lumabas na siya sa bookstore.

Pagkaliwa niya, nagulat siya sapagkat nakita na naman niya ang babaing nahulog ang wallet—ikatlong beses na!

“Nagkita na naman tayo, ha-ha-ha!’’

“Oo nga, ha-ha-ha!’’

“Bakit kaya?’’ tanong ni Brent.

“Anong bakit kaya?’’

“Bakit kaya nagkita uli tayo sa ikatlong pagkakataon?’’

“Ewan ko, ha-ha-ha!”

“Ako nga pala si Brent.’’

“Ako si Leah.’’

“Nice meeting you, Leah.’’

“Nice meeting you too, Brent.”

(Itutuloy)

Show comments