^

True Confessions

Suklam (99)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“’YUNG dati kong kasamahang drayber. May tinatanong lang. May reunion yata kami,’’ sabi ng kanyang tatay.

Nag-isip si Brent. Matagal nang walang komunikasyon ang kanyang tatay sa mga dating kasamahan sa bus company. At saka ang alam niya, nagsara na ang kompanya ng bus na dati nitong pinagtatrabahuhan.

Pero hindi nagpahalata si Brent na nagdududa siya sa kausap ng tatay niya.

Biglang iniba ng tatay niya ang usapan.

“Kumusta ang trabaho mo, Brent? E di ang dami mong trabaho dahil bisor ka na?’’

“Opo ‘Tay! Pero okey lang. Enjoy naman ako.’’

“At saka hindi ka na nag-oobertaym pag Sabado ano?”

“Opo.’’

“Mabuti nga at nakakapagpahinga ka.’’

“Oo nga ‘Tay.’’

“Teka nga pala anong gusto mong ulam ­ngayong tanghali?’’

“Bahala ka na ‘Tay. Meron pa ba tayong stock sa ref?’’

“Oo marami pa.’’

“Sabi nga pala ng kapatid mo kahapon, siya ang sagot sa grocery.’’

“Bah okey ah. Bagong suweldo siguro.’’

“Siguro nga.’’

KINABUKASAN, napansin na naman ni Brent na may kausap sa cell phone ang tatay niya. Naghihinala na siya.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with