Suklam (70)

“PAYUHAN mo ang iyong kaibi­gan, Brent,’’ sabi ng tatay ni Brent sa mahinang tinig. “Ang babaing minsan nang nagtaksil ay mahirap nang pagkatiwalaan. Gagawa uli ng pagkakasala dahil yun ang nasa dugo niya.’’

Tumango si Brent bilang pagsang-ayon sa kanyang tatay.

“Bilang kaibigan­, payuhan mo para hindi na siya masaktan pang muli. Isandaang porsi­yento na gagawa uli ng pangangalunya ang asawa niya. Matanda na ako Brent at marami nang karanasan.’’

“Sasabihin ko sa kanya ‘Tay.’’

“Alam mo ba kung bakit ko nasabi na ang isang babaing minsan nang nangalunya ay uulit muli?’’

“Bakit Tatay?’’

Humugot nang mahabang buntunghini­nga ang tatay ni Brent.

At saka nagsalita.

“Nahuli ko na noon ang nanay mo na may ibang lalaki. Pero pinatawad ko sa pag-aakalang hindi na siya gagawa muli ng ka­sa­­­l­anan. Pero nagkamali ako.”

Gimbal si Brent sa pinagtapat ng ama.

Itutuloy

Show comments