Suklam (62)

“IKAW ang batang nakasaksi sa panga­ngalunya?’’ hindi makapaniwalang tanong ni Julio.

“Oo.’’

“Totoong karanasan mo?’’

Tumango si Brent.

“Kaya pala ramdam na ramdam ko ang katotohanan sa mga ikinuwento mo. Ikaw pala yun—dumanas ka pala ng ganoon kasamang bangungot. Kaya pala mahusay kang magpayo at sinabi mo pang tama lamang ang ginawa ko na hindi na habulin pa ang asawa kong si Vivian. Ganun pala ang ginawa ng iyong ama, Brent.’’

“Oo. Ginawa kong halimbawa ang aking ama. Tama ang ginawa niya na hinayaan na lamang na lumayo ang nagtaksil na asawa.’’

“Lubhang nakaka­hanga ang tatay mo, Brent. Hindi siya nagpadala sa galit.’’

“Humanga ako sa ­aking tatay na kinontrol ang sarili para sa aming dalawang magkapatid. Kung nagpatangay siya sa galit, hindi ko alam kung ano ang buhay na­ming magkapatid ngayon. Baka wala akong natapos. Kasi kung napatay ni tatay ang dalawang taksil, mabibilanggo siya.’’

“Tama ka Brent. ­Hangang-hanga ako sa tatay mo.’’

“Salamat Julio.’’

“May itatanong lang ako at sana ay hindi mo ikagalit.’’

“Ano yun?”

“Ano ang balita mo sa iyong ina?’’

Hindi agad nakasagot si Brent.

Nag-isip.

Itutuloy

Show comments