Suklam (31)

“DUN pa sa opisina n’yo gumagawa ng bawal?’’ tanong ng tatay ni Brent na hindi makapaniwala.

“Opo. Maraming beses na.’’

“Talagang mga sagad na ang kaimoralan sa katawan ng mga kaopisina mong yun!’’

“Oo nga ‘Tay. Grabe na!’’

“Ikaw lang ba ang nakakaalam o meron pang iba?’’

“Hindi ko alam ‘Tay. Pero pakiramdam ko may nakaaalam na pero nagsasawalang kibo na lang.’’

“Baka nga. Imposible naman na ikaw lang ang nakakapansin sa ginagawa ng mga yun.’’

“Kanina, gumawa uli sila ng misteryo sa stockroom at sa suklam ko, kinunan ko ng picture—narito sa cell phone ko.’’

Napamaang ang tatay niya. May ilang segundo na hindi nakapagsalita.

Nang magsalita ay may pangamba sa boses.

“Anong balak mo at kinunan ng retrato?’’

“Balak kong ibulgar na ang ginagawa nila. Kasuklam-suklam na!’’

“Bakit mo naman naisip yun?’’

“Naaawa ako sa mister, ‘Tay.’’

“Huwag ka nang makialam Brent. Hayaan mo na lang.’’

Itutuloy

Show comments