Suklam (7)
“NASUNDAN pala ng mister ang misis habang kasama ang kalaguyo. Hindi hiniwalayan hanggang sa makapasok sa motel,’’ sabi pa ng tatay ni Brent habang nakatutok sa TV at pinanonood ang pagkakahuli sa lalaki at babae sa loob ng motel.
“Puwede palang magsama ng pulis at ipaaresto ang mga walanghiya! Dapat sa ganyan ay ikinukulong talaga para hindi pamarisan. Siguro pareho may asawa yan,’’ sabi pa ng tatay ni Brent.
“Ang kawawa at hiyang-hiya siguro ay ang mga anak ng mga yan. Lalo yung anak ng babae. Marami ang nakakita na nahuli ang kanilang ina sa motel. Kawawa naman ang mga anak! Kakahiya ang ginawa ng kanilang ina,’’ sabi pa ng tatay ni Brent na dalang-dala sa pinanonood na news.
“Sa Saudi yata at sa Iran, kapag nahuling nangangaliwa ang babae e binabato sa plaza. Totoo kaya yun, Brent?’’
“Sabi raw po, Tatay. Mahigpit po kasi ang batas sa Saudi at iba pang bansa sa Middle East.’’
“Naku kung ganyan ang parusa rito sa Pilipinas, maraming babatuhin sa parke—daming ‘makakati’ rito!’’
Napatango si Brent.
Naalala niya ang superbisor na si Vivian at kasamahang si Oscar na nahuli niyang nagtatalik sa stockroom. Kung pagbato ang parusa, tiyak na yun ang sasapitin ni Vivian. Tama ang tatay niya na maraming “makakati”.
Nang muli niyang sulyapan ang kanyang tatay, tulog na ito sa pagkakaupo. Pinatay niya ang TV. (Itutuloy)
- Latest