^

True Confessions

Dioscora (315)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

“Kasi masyado kang nakatutok sa trabaho, Kuya kaya hindi mo na naiisip mag-asawa. Tapos mayroon ka pang inaasikasong foundation. Dapat bigyan mo rin ng panahon ang sarili. Gusto kong makita na may pamilya ka,” sabi ni Maria na punumpuno ng pagmamalasakit sa kapatid.

“Hayaan mo makakakita rin ako ng magi­ging partner habambuhay. Bigla na lamang dumating ‘yan. Maniwala ka sa akin, Maria.’’

“Paano darating, e ‘yang paghanap ng partner sa buhay ay hina­hanap.”

“Basta, darating ‘yan.’’

“Palagay ko naman ay maraming magkakandarapa sa’yong tsik dahil bukod sa matalino ka ay guwapo—at ang pinaka­mabigat—CEO ng Number 1 company sa bansa. Ang babaing mapipili mo ay napakasuwerte at talo pa ang nanalo sa lotto.’’

Humagalpak ng tawa si JC.

“Parang sanay kang tumaya sa lotto, ha-ha-ha!’’

“Hindi ako nagbibiro Kuya, masuwerte ang babaing magiging partner mo.’’

“Sige naniniwala na ako.’’

ISANG araw nagpahatid si JC kay Mulo sa Recto Avenue. Buhat nang ma­ging CEO ng kompanya, hindi na siya nakakain sa dating restaurant na malapit sa unibersidad na pinag-aralan. Dun siya laging kumakain.

Malaki na ang pinagbago ng restaurant. Umorder siya nang paboritong pansit bihon, lumpiang shanghai at isang cup ng kanin.

Nagsisimula siyang kumain nang may tumawag sa kanya.

“JC!”

(Itutuloy)

vuukle comment

JC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with