Kaibigan (227)

“Kailan daw uuwi sina Kuya?’’ tanong ni Dex kay Lara.

“Malalaman ko bukas kung kailan. Pero sure nang uuwi sila.’’

“Dapat pala maghanda tayo. Masayang reunion ito Lara.’’

“Oo nga Dex. Imagine pagkaraan nang maraming taon ay ngayon lang kami magkikitang magkakapatid. Miss na miss ko na sila.’’

“Halatang-halata nga sa kilos mo. Sabik na sabik kang makita ang mga kapatid mo.’’

“Oo Dex. Kasi naman talagang hindi maganda ang pagkakalayo namin kaya hindi ko maitago ang nararamdamang pagka­sabik. Sa wakas natapos din ang problema namin.’’

“Talagang wala ka nang mahihiling pa sa Diyos?’’

“Wala na Dex.’’

“Sure ka?’’

“Oo naman. Kumpleto na ang buhay ko. Meron akong mabait na asawa, anak, malusog na katawan, may matagumpay na negosyo, may bahay at lupa. Wala na akong mahihiling pa talaga Dex.’’

“Praise the Lord.’’

MAKALIPAS ang isang buwan, dumating na ang mga kapatid ni Lara. Masayang-masaya si Lara nang makita ang mga kapatid habang nasa entrance ng resort.

“Kuya! Kuya!’’

(Itutuloy)

Show comments