^

True Confessions

Kaibigan (224)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano pang hihilingin ko Dex?’’ tanong ni Lara sa asawa. Hawak ni Dex ang palad ni Lara.

“Hilingin mo na magkita kayo ng mga kapatid mo—magkapatawaran na kayo. Kapag nangyari ‘yun, talagang wala ka nang mahihiling pa Lara.’’

Napatitig si Lara kay Dex.

Maya-maya pa, may dalawang butil ng luha na nag-unahan sa pisngi ni Lara. At pagkatapos ay napasubsob ito sa dibdib ni Dex. Umiyak. Pinayapa ni Dex ang asawa. Hinimas ang likod.

“Ikaw na ang unang­ magpakita ng pagpa­pakum­­baba. Ipakita mo sa iyong mga kapatid na nami-miss mo sila.’’

“Paano kung galit pa sila sa akin? Paano kung hindi pa nila ako kayang patawarin?’’

“Baka naman ikaw lang ang nag-iisip niyan? Baka naghihintay lang sila sa move mo. Baka noon pa e hinihintay ka na nila? Malay­ mo, gusto na rin nilang maki­pagbati sa iyo?’’

“Natatakot ako Dex.’’

“Ba’t ka matatakot?’’

“Kasi nga baka isnabin nila ako. Baka hindi ako pansinin.’’

“Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?’’

Natahimik si Lara.

“Hanapin mo sa FB ang name nila at mag-message ka. Tutulungan kita. Malakas ang kutob ko na hinihintay lang nila ang pagkilos mo.’’

“Hindi kaya nila ako isnabin?’’

“Hindi! Baka matuwa pa nga sila dahil nakipag-communicate ka sa kanila.’’

“Sige, tulungan mo akong makontak sila, Dex.’’

“’Yan ang gusto kong marinig sa iyo.’’

“Gusto ko nang maging payapa ang lahat.’’

“Matutupad ‘yan. Kapag maayos­ na ang lahat, anyayahan mo sila rito sa resort at dito tayo maghahanda.’’

Kumislap ang mga mata ni Lara.

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with