Kaibigan (211)
“Anong ipapangalan natin sa kanya, Dex? Ikaw na ang mag-isip dahil ikaw ang tatay,’’ sabi ni Lara habang ang baby ay nasa kanyang tabi.
“Meron na akong naisip.’’
“Ano?’’
“DexterKing!’’
“Wow ang ganda! Talagang hindi mo makalimutan ang kaibigan mo. Anong nickname?’’
“E di King siyempre.’’
“Bagay na bagay kay baby ang name niya. May authority ang dating ng pangalan.’’
“Pangarap ko maging abogado siya at tatawaging Atty. DexterKing.’’
“Wow bagay. Sana matupad ang pangarap mo sa anak natin.’’
“Matutupad ‘yan, Lara. Makakaya naman nating pag-aralin si King dahil pareho tayong may magandang trabaho rito sa Riyadh. Medyo Malaki na rin ang naiipon natin.’’
“Sabagay. Pero nag-iisip din ako, Dex dahil hindi habampanahon ang trabaho natin dito. Darating ang araw magreretiro tayo.’’
“Nag-iisip ako ng isang negosyo na ma-manage nating mabuti. Yung kaya nating subaybayan. Ano para sa iyo. Lara?’’
“Gusto mo bumili tayo ng lupa at taniman natin ng mga puno na namumunga?’’
“Aba puwede yan. Puwedeng itanim ay mga puno na ang dahon at balat ng prutas ay ginagawang food supplement.’’
Kumislap ang mga mata ni Lara.
“Puwede ang naisip mo Dex.’’
“Saan naman tayo bibili ng lupa?’’
“Sa Nagcarlan. Puwede akong magtanong dun.’’
“Pag-aralan natin, Lara. Kailangan bago tayo pumasok sa ganyang larangan ay kabisaduhin natin.’’
“Oo naman.’’
Nagpatuloy sila sa pagtatrabaho. Hanggang lumipas ang isang taon. Lumalakad na ang kanilang anak na si King. Tuwang-tuwa ang mag-asawa. Habang lumalaki si King ay lalong nagiging guwapo.
(Itutuloy)
- Latest