Kaibigan (200)

Sa halip na sagutin ni Lara ang mara­ming katanungan ni Dex, bigla nitong hinalikan sa labi ang lalaki. Sapol na sapol ang lips ni Dex at iyon na ang simula nang labanan—nang mainit na halikan. Parehong uhaw ang kanilang mga labi. Si Dex ilang taon nang biyudo at ganundin naman si Lara na matagal nang biyuda. Hindi napigilan ang bugso ng init. Nakapapaso ang init ng kani-kanilang mga labi. Malapit nang mag-apoy dahil sa matinding paglalapat.

Ilang minuto rin ang paglalapat ng kanilang mga labi at paghahamok ng kanilang mga dila. At nang bumitaw sa isa’t isa ay parehong naghabol ng hininga.

Nagkatinginan sila at saka nagbaba ng tingin si Lara na parang nahihiya sa nangyari. Dahil siguro siya ang unang humalik kay Dex.

“Sabihin mo na ang ipaparusa mo sa akin, Lara. Ano bang parusa ‘yun?’’ tanong ni Dex habang dinadama ang makinis na pisngi ni  Lara. “Gusto ko nang malaman kung ano yun. Sabihin mo Lara.’’

Tumingin sa kanya si Lara.

“Yakapin mo ako, Dex. Gusto kong madama ang yakap mo.’’

Niyakap ni Dex. Mahigpit na mahigpit. Nadama niya ang basang damit ni Lara.

“Ano ang parusa mo sa akin?’’ tanong ni Dex habang yakap si Lara na halos pabulong lang.

“Naibigay ko na ang parusa sa’yo.’’

Lumuwag ang pagkakayakap ni Dex.

“Naibigay mo na?’’

“Oo. ‘Yung mga naranasan mo kanina na halos kabahan at matakot ka, ‘yun na ang parusa.’’

“Ibang klase ka Lara! Talagang pinakaba mo ako,’’ sabi ni Dex at ­muling niyakap si Lara nang mahigpit.

Matapos yakapin ay nagtanong si Dex.

“E di pinatatawad mo na ako ngayon? Hindi ka nag alit.’’

“Obvious ba e hinalikan na nga kita. O gusto mo, ulitin ko pa?’’

At bago nakapagsalita si Dex, bigla uli siyang hinalikan ni Lara. At mas mainit at mas nakaba­baliw ang halik nito!

(Itutuloy)

Show comments