‘‘Ako nga pala si Dex, Mina. Pasensiya ka na at naabala kita,’’ sabi ni Dex.
‘‘Okey lang. Halika pasok ka.’’
‘‘Salamat.’’
Pumasok si Dex. Maluwang ang salas. Kumpleto sa gamit. Pero parang nag-iisa si Mina.
‘‘Maupo ka.’’
Nang makaupo si Dex si Mina na ang nag-usisa sa kanya. Nakaupo rin si Mina.
‘‘Paano nga pala napunta sa iyo ang picture na ito?’’
Sinabi ni Dex na nakuha niya picture sa maleta ng mag-asawa. Ikinuwento niya na matagal nanirahan sa bahay niya ang mag-asawa. Sinabi niya kung bakit ganun na lamang ang pagnanais niyang makita si Lara ay dahil sa pakiusap ni King nung nabubuhay pa ito.
‘‘Biyuda na si Lara?’’
‘‘Oo. Umalis siya sa bahay at sabi uuwi sa Nagcarlan pero wala siya roon.’’
‘‘A kaya naisip mo baka alam ko ang kinaroroonan niya.’’
“Oo.’’
“Sorry Dex, pero matagal na kaming walang communication. Gaya nang sabi ko sa’yo hindi kami gaanong closed. Kasi, ang mama niya, matapobre.’’ (Itutuloy)