Tuwang-tuwa sina Marianne at Drew habang binibilang ang kanilang napagbentahan sa pakwan at melon na inani nila.
“Ang laki ng kinita natin, Drew!’’
“Masuwerte ka Marianne. Unang ani pa lang natin ng pakwan, nakadyakpat agad tayo.’’
‘‘Naubos ang laman ng pick-up! Nakakagulat!’’
“Kasi tayo lang ang may pakwan na seedless dito. Tayo rin ang may melon na juicy at napakatamis.’’
“Kung ganito nang ganito ang kikitan natin Drew, marami tayong maisi-save para sa kasal natin.’’
“Oo marami pa tayong kikitain. Sa rami ng aanihin nating pakwan at melon ay baka sobra-sobra pa. Meron pa rin tayong aanihing mais at saka niyos sa susunod na linggo.’’
‘‘Natutuwa ako Drew. Kahit pala hindi na tayo magtayo ng negosyo ay kikita tayo nang malaki.’’
“Tama ka Marianne. Kaya tama talaga ang desisyon ko na ibenta na ang mga gamit ko sa pizza business ko at ibinili ng hand tractor. Mababawi pala agad natin ang binili sa iba pang machineries.’’
“Hanga ako sa iyo Drew.’’
“Aba mas hanga ako sa’yo. Akalain mo mula nang makatulong ka namin ni Tikoy sa pagtatanim e biglang nag-boom lahat. Masaganang-masagana ang ani.’’
“Kasi masipag tayo pareho. Kapag masipag talagang nagbubunga.’’
“Sabagay pero ang pakiramdam ko, mayroon kang dalang suwerte. Patingin nga ng palad mo.’’
“Bakit?’’
“Makikita raw sa palad kung masuwerte sa pagtatanim ang tao.’’
“Weee! Totoo kaya ‘yun?’’
“Tingnan ko nga ang palad mo.’’
Ipinakita ni Marianne ang kanang palad.
Gulat na gulat si Drew sa nakita sa palad ni Marianne. Hindi siya makapaniwala.
(Itutuloy)