^

True Confessions

Monay (217)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Ang sakit Joem! Parang lalabas na!’’ sabi ni Monay habang sapo ang tiyan.

‘‘Dadalhin na kita sa ospital. Relaks lang.’’

Tinawag ni Joem ang kanilang mga maid. Binuhat na ni Joem si Monay nang hindi na nito kayang maglakad. Inalalayan siya ng dalawang maid. Ang isa pang maid ay dala na ang bag na may mga gamit ni Monay.

Maayos na naisakay ni Joem si Monay. Sumakay na rin ang dalawang maid at inalalayan si Monay samantalang nasa likuran ang isa pang maid na may dalang bag ng mga gamit.

Mabilis na pinatakbo ni Joem ang sasakyan patu­ngo sa ospital na panga­nganakan ni Monay. ­Mai­ngat na maingat si Joem sa pagda-drive. Nagdarasal siya na maging maayos ang panganganak ni Monay. Hiniling niya sa Diyos na normal na mailuwal ni Monay ang kanilang panganay. Habang nagdarasal ay naririnig niya ang daing ni Monay. Talagang malapit na itong manganak.

Nang magsalita ang isa sa maid na katabi ni Monay.

‘‘Kuya Joem, mukhang pumutok na ang panubigan ni Ate Monay.’’

Hindi nagpataranta si Joem sa narinig. Hindi siya dapat magpanic. Kapag nagpanic siya baka maapektuhan ang pagmamaneho niya.

‘‘Normal lang yun. Malapit na naman tayo sa ospital. Five minutes na lang,’’ sabi niya at ipinagpatuloy ang marahang pagpapatakbo.

Hanggang sa sapitin nila ang ospital. Agad na dinala si Monay sa delivery room. Sumama si Joem sa loob. Ayaw niyang iwanan si Monay. Gusto niya na nakikita ang asawa. Hanggang sa dumating ang Ob-Gyne ni Monay. Saka lamang ­napanatag ang loob ni Joem. Nakakatiyak na siyang nasa mabuting kamay ang asawa. Mahusay ang doktor ni Monay.

Lumabas na si Joem at nagtungo sa waiting area na kinaroroonan ng tatlong maid.

“Kumusta na si Ate, Kuya?’’ tanong ng isang maid.

“Nasa delivery room pa. Naroon na si Doktora.’’

“Sana mabilis lang ­manganak si Ate,’’ sabi naman ng isa pang maid na halatang balisa.

‘‘Mabilis lang yun,’’ sabi naman ni Joem pero sa totoo lang ay may kaba rin siyang nararamdaman. First time niyang maging tatay kaya siya kinakabahan.

‘‘Hula ko babae ang anak n’yo Kuya,’’ sabi naman ng ikatlong maid.

“Bakit mo alam?’’

“Kasi ang ganda-ganda ni Ate. Kapag maganda raw ang nagbubuntis, babae ang iaanak.’’

‘‘Kahit babae o lalaki, okey sa akin,” sabi ni Joem.

Makalipas ang dalawang oras, nakatanggap ng magandang balita sina Joem. Nanganak na si Monay at malusog na babaing sanggol ang isinilang nito.

Halos magtatalon sa tuwa si Joem.

Makaraan pa ang isang oras at inilipat na sa private room si Monay.

Kinabukasan, nakita na nina Joem ang baby. Napakagandang sanggol!

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with