“Ayon sa story mo, mag-isa ka palang namuhay at iginapang ang sarili sa pamamagitan ng pagtitinda na fishball, Joem,” sabi ni Mam Catherine.
“Totoo po Mam.’’
“Siyanga pala paano ka na-kontak ng writer nito na si Trishia Jovellano?’’
“Classmate ko nung high school ang writer, Mam.’’
“Ah kaya pala.’’
“Talaga pong noon pa alam na ng writer ang buhay ko. Hindi lang po siya kundi buong klase. Katunayan po, may isa akong classmate na babae na lagi akong binibigyan ng monay. Kasi po, pumapasok ako na walang laman ang tiyan. Hindi ako kumakain dahil ayaw kong makita ang aking stepfather. Maaga akong umaalis ng bahay.’’
“Teka, bakit wala yata ang part na iyon dito sa article mo.’’
“Wala po ba, Mam? Baka nalimutan ng writer.’’
“So isang babaing classmate mo ang nagbibigay sa’yo ng monay at yun ang kinakain mo. Parang yun ang almusal mo?’’
“Opo Mam.’’
“Ang bait naman ng classmate mo. What is her name?’’
“Jacqueline Viajebuen po pero ang tawag namin sa kanya ay Monay.’’
‘‘What? Monay?’’
“Yes mam. Kasi nga po madalas siyang nagbibigay sa amin ng monay.’’
Nagtawa nang mahinhin si Mam Catherine. Nakita ni Joem ang mga mapuputi nitong ngipin.
“Interesting ang story mo at pati yung si Monay. Where is Monay now?’’
“Nasa ibang bansa po – sa U.S. Dun na po nag-settle.’’
“Mabait siya. Imagine, binibigyan ka ng monay, araw-araw. Nakakaha-nga yun. Bihira sa tao ang magbibigay ng monay sa kanyang kapwa. Maaaring magbigay ng hanggang tatlong beses o apat pero ang araw-araw na pagbibigay ay nakakahanga.’’
“Oo nga Mam. Mabait po talaga si Monay.’’
“Baka naman crush ka, Joem. Sa high school kasi nagsisimula ang unang pag-ibig.’’
“Hindi po Mam. Magkai-bigan lang talaga.’’
“The best siyang kaibigan kung ganun.’’
‘‘The best po talaga.’’
‘‘May communication pa kayo ngayon ni Monay?’’
‘‘Wala Mam. Married na raw si Monay ayon kay Trishia.’’
“Ah.’’
Maya-maya nagpasalamat si Mam Catherine kay Joem.
“Natutuwa ako at nagpapasalamat sa’yo dahil isang empleado ng kompanyang ito ang karapat-dapat tularan. Sabihin mo sa kaibigan mong si Trishia na salamat sa pagbanggit ng ating company. Pero sabihin mo rin, dapat binanggit si Monay sa story. Okey, Joem?’’
“Okey Mam. Salamat.’’
(Itutuloy)