Ang Babae sa Silong (133)

‘‘Masama ang ginawa mo Dado. Pero huwag kang mag-alala at tayong dalawa lamang makaaalam,’’ sabi ni Manang Oya.

“Salamat, Manang.’’

‘‘Basta bilhan mo lang ako lagi ng daing at tocino ha?’’

“Oo Manang, walang problema. Kahit naman noon pa e suki mo na ako. Pero ngayon, hindi lang daing at tocino ang gusto ko.’’

‘‘Ano ang gusto mo? Magsabi ka lang at idi­deliber ko.’’

“Meron bang tapang beed at saka French fries?’’

“Meron! Bukas dadalhan kita. Ilang kilo bang tapa at fries ang gusto mo?’’

“Isang kilo lang Manang.’’

“Sige.’’

Nasa ganun silang pag-uusap nang makita nilang umaakyat ng hagdan si Gab.

Hininaan ni Manang Oya ang pagsasalita.

‘‘Papalapit si Gab, Dado. Huwag kang mag-alala at wala akong sasabihin sa kanya.’’

“Salamat Manang.’’

Lumapit si Gab kina Dado at Manang Oya.

“Hi Manang nagdeliber ka ba kay Dado?’’

‘‘Oo. Daing na galunggong. Bagumbago.’’

Napatingin si Gab kay Dado. Kinindatan ito ni Dado.

“Ako rin dalhan mo ng daing, Manang.’’

“Sige. Mamaya dadalhan kita sa silong. Sige aalis na ako,’’ sabi nito at tumingin kay Dado nang makahulugan bago tumalikod at tinungo ang hagdan.

May ibinulong na daglian si Dado kay Gab. Ukol sa butas sa silong.

Tinawag ni Gab si Manang Oya.

‘‘Manang sandali.’’

Lumingon si Manang sa dalawa.

‘‘Bakit Gab?’’  (Itutuloy)

Show comments