Alupihan (229)

Unang pagkakataon na nakarating ng tuktok ng bundok si Cris. Palibahasa’y laking lungsod kaya sabik na sabik siya sa maraming mapapasyalan sa probinsiya gaya ng bundok. Kung hindi pa niya naging kasintahan si Hani ay hindi siya makakarating sa bundok.

“Ang sarap ng hangin! Sariwang-sariwa!’’ sabi niya habang hawak sa kamay si Hani.

“Kapag summer dito kami nagpupunta ng mga kapatid ko.’’

“Kaya pala sanay na sanay kang pumanhik sa bundok.’’

“Pagkatapos naming manggaling dito, pupunta naman kami sa sapa at dun maliligo.’’

“Mamaya pagkagaling dito, sa sapa naman tayo.’’

“Sige Kuya. Dun tayo sa puno ng bayabas para nasa lilim tayo.’’

Tinungo nila ang puno ng bayabas.

Naupo silang magkatabi sa lilim.

Tinanaw nila ang pinanggalingan sa ibaba. Berdeng-berde.

‘‘Ang sarap talaga rito, Hani. Gusto kong bumili ng lupa rito para dito na tayo magsimula ng pamilya.’’

“Paano ang bahay mo sa Maynila?’’

“E di yun ang tirahan natin kapag gusto nating magtungo sa Maynila.’’

“Anong pagkakakitaan natin dito?’’

“Mayroon na akong nai-sip pero saka ko na lang sasabihin sa’yo kapag napag-aralan ko nang mabuti.’’

“Naniniwala ako sa kakayahan mo Kuya.’’

Nadako ang usapan nila sa kalagayan ni Hani kung saan ay nahilo ito at nawalan ng lakas nang may makitang alupihan ilang araw na ang nakalilipas. Nag-alala si Cris.

“Patitingnan kita sa doktor para malaman kung ano ang lagay mo, Hani. Baka kung ano na ang nangyayari sa iyo. Mabuti nang sigurado.’’

“Huwag na Kuya, mala­kas ako. Nasa isip ko lang ang lahat kaya ako nagkakaganito kapag nakakakita ng alupihan. Kaya kong labanan ang takot. Wala akong sakit, Kuya.’’

“Sige. Pero sabihin mo lang sa akin kung mayroon kang kakaibang nararamdaman.’’

“Oo Kuya.’’

Maya-maya nagpasya na silang bumaba mula sa bundok.

“Sa sapa naman tayo, Hani.’’

Tinungo nila ang sapa.

“Napakalinaw at napa-kalinis ng tubig. Maliligo ako Hani.’’

“Sige Kuya. Babantayan kita.’’

“Kung maligo ka na rin, Hani.’’

(Itutuloy)

Show comments