“SANA kung buhay si Sir Nath, siya ang kukunin kong ninong sa kasal,” sabi ni Alexis kay Manang.“Oo nga ano. Sayang at wala na si Sir.’’
“Sure ba kayo na makakarating sa kasal ko, Manang?’’
“Itatawag ko sa’yo, Alexis. Kailan ba ang kasal?’’
Sinabi ni Alexis ang petsa.
“Isang buwan pa pala. Makakarating kami Ale-xis.’’
“Salamat Manang.’’
“Tiyak matutuwa si Cindy kapag nalamang ikakasal ka. Tamang-tama naman sa pag-uwi namin ang kasal mo.’’
“Oo nga Manang. Parang sinadya ano para makadalo kayo.’’
“Sino nga pala ang mapalad na babaing pakakasalan mo?’’
“Si Nicole, Manang.’’
Ikinuwento ni Alexis kay Manang kung paano sila nagkakilala ni Nicole. Hangang-hanga si Manang nang marinig ang kuwento ni Alexis.
“Parang sa pelikula pala ang pag-iibigan n’yo Alexis.’’
“Oo nga Manang, parang teleserye!’’
“Dalangin ko na maging maligaya at forever ang inyong pagsasama.’’
“Salamat Manang.’’
“Nasasabik na tuloy akong umuwi para makadalo sa wedding mo.’’
“Gusto na rin kitang makita Manang.’’
“Saan ba kayo ikakasal ni Nicole?’’
“Dito sa aming probinsiya. Sa isang simbahan sa bayan at ang reception ay sa aking farm.’’
“Talaga? E ‘di ang sarap ng hangin diyan.’’
“Masarap talaga Manang. At pati pagkain, masarap, Pinoy na Pinoy.’’
“Wow, natatakam na ako Alexis. Uwing-uwi na ako.’’
ISANG araw bago ang kasal nina Alexis at Nicole, dumating sina Manang, Cindy at ang dalawang anak nito na pawang mga puti dahil Australian ang tatay.
“Tamang-tama ang da-ting n’yo, Manang, Cindy. Bukas na ang kasal namin.”
(Itutuloy)