“Bibitiwan kita kapag nagsawa na ako sa’yo!’’ Sabi ng addict at hinaltak si Nicole.
Nawalan ng panimbang si Nicole at napasubsob. Nagtangka siyang bumangon pero mabilis siyang nakubababawan ng addict. Pilit siyang kumakawala sa pagkakubabaw ng addict pero masyadong mabigat. Hindi siya halos makakilos sapagkat naipit siya nang todo. Wala siyang magawa kundi magmakaawa. Iyon na lamang ang magagawa niya sa harap ng nakaambang panganib.
“Maawa ka sa akin. Maaawa ka!’’
Pero ang pagmamakaawa ni Nicole ay nawalan ng saysay sapagkat lalo pang naging marahas ang addict. Wala nang natitirang awa.
Hinaklit nito ang damit ni Nicole. Nasira ang damit at nalantad ang katawan ni Nicole. Bra ang natira.
Halos lumuwa ang mga mata ng addict. Parang asong ulol na tumulo ang laway sa pagkasabik.
“Sabi ko na nga ba at napakakinis mo. Salap-salap!’’
“Maawa ka. Parang awa mo na!’’ Sabi ni Nicole.
“Pagkatapos mo akong pagurin, hihingi ka ng awa. Pagkatapos kitang papakin, saka ka humingi ng awa.’’
Ibinaba ng lalaki ang patalim.
Mabilis ang kilos ni Nicole ng sandaling iyon.
Bigla niyang itinulak ang addict na nawalan ng panimbang at nakawala sa pagkakubabaw.
Sinamantala ni Nicole ang pagkakataon. Nagtatakbo siya. Walang puknat. Huling pagkakataon na niya.
Pero dead end pala ang direksiyon na tinungo niya.
“Wala ka nang pupuntahan. Dead end!’’
Pero tumakbo pa rin si Nicole. Bahala na.
Hanggang sa isang matipunong kamay ang humawak sa kanya. Kamay ng tagapagligtas!
(Itutuloy)