^

True Confessions

Ahas sa garden (392)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LALO pang pinagbuti ni Ni­cole ang pag-aaral para hindi mapahiya sa ginagawang pagsuporta sa kanya ni Alexis. Gusto niyang masulit ang mga pagtulong na ginagawa nito sa kanya. Ito lamang ang alam niyang pa­raan para ma­gantihan si Alexis.

At lalo rin naman niyang pinagsisikapang magampa­nan nang maayos ang trabaho sa gulayan. Kahit minsan, hindi siya umaabsent. Kahit pa sinasabihan siya ni Nina na magbakasyon dahil mayroon naman siyang vacation leave ay hindi niya iyon ginagamit.

“Magpahinga ka naman, Nicole. Nag-aaral ka pa sa gabi. Baka masobrahan ka sa pagtatrabaho e magkasakit ka.”

“Kaya ko naman, Nina. At saka walang papalit sa akin dito. Kulang tayo sa tao. Baka hindi matapos ang pagpitas ng mga talong at okra e malipasan at hindi na umabot sa takdang oras. Masasayang ang mga ito.’’

“Makakaya ko naman ka­hit nag-iisa ako rito.’’

“Saka na lang ako magli-leave kapag hindi na panahon ng pitasan ng talong.’’

“Sige bahala ka. Nagpapa­alala lang ako dahil mahirap kapag nagkasakit.”

“Salamat, Nina.’’

“Maiba ako ng usapan. Ta­laga bang ulila ka nang lubos, Nicole? Nabanggit mo sa akin nun na patay na ang mother at father mo. Kapatid, wala ka na rin?’’

“Nag-iisa lang akong anak. Ulilang lubos nga ako.’’

“Paano ka naman napadpad dito sa probinsiya namin e taga-Maynila ka ayon sa sinabi mo sa akin nun.’’

“Mahabang kuwento, Nina.’’

“Kahit kaunti, ikuwento mo. Wala akong gaanong back­ground sa istorya mo.’’

Ikinuwento ni Nicole kung paano siya napunta sa bahay ni Alexis sa Sta. Cruz at ang mga sumunod pang pangyayari kung paano siya humantong sa vegetable farm at naging tauhan dito.

“Parang istorya pala sa pelikula ang buhay mo. Ma­buti at sa bahay ka ni Alexis napunta. Napakasuwerte mo, Nicole.’’

“Oo nga, Nina, napaka­suwerte ko at kay Mang Alexis ako napadpad. Kung sa ibang tao siguro ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Napakabuti talaga ni Mang Alexis.’’

“Mang Alexis ba lagi ang tawag mo sa kanya?’’

“Oo.’’

Napahagikhik si Nina.

“Bakit ka humagikgik?’’

“Kasi’y hindi bagay na ta­wagin siyang Mang Alexis. Parang pangmatanda ang tawag mo, he-he-he!’’

“E mas nakakahiya naman kung tatawagin kong Alexis. Parang wala akong galang.’’

Napahagikgik pang lalo si Nina. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with