^

True Confessions

Damo sa Pilapil (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGBALIK sa gate si Zac para papasukin si Bogs. Nagtataka naman siya dahil nahulaan agad ni Mam Dulce na si Bogs ang dumating. Siguro’y may usapan na sila na darating ngayon ang lalaki.

Binuksan niya ang gate.

“Good morning, si Dulce nandiyan? Kaibigan niya ako.’’

“Opo. Narito po. Pasok po.’’

“Ikaw ba yung boy niya?’’

Tumango si Zac. Parang nainsulto siya sa sinabing ‘‘boy’’. Sabagay, parang “boy’’ na nga siya dahil siya ang parang utusan dito sa bahay.

“Sige papasok na ako. Thank you!’’ Sabi ni Bogs at dumiretso na sa loob. Sinundan niya ito ng tingin. Maayos ang suot nito at halatang executive. Mukhang edukado dahil nag-thank you sa kanya. Bakit kaya walang sasakyan. Parang nag-taxi lang si Bogs.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Tini-trim niya ang bougainvilla sa tagiliran ng bahay dahil malago na at halos matakpan na ang pathway. Ngayon na lamang uli niya malilinis ang tagiliran ng bahay. Kapag Linggo lamang siya nakakapaglinis ng bakuran. Hindi naman maiasa ang paglilinis ng bakuran kay Manang dahil marami rin itong ginagawa. Isa pa, siya na ang umako ng gawaing iyon dahil sinabi sa kanya ni Mam Dulce na siya na ang bahala sa anumang gawain. Kaya nga may katwiran si Bogs na tawagin siyang ‘‘boy’’.

Matapos linisin ang tagi­liran ang pag-aalis naman ng agiw sa kitchen ang inatu­pag niya. Napansin niya ang nag­lawit-lawit na agiw sa kit­chen. Matapos iyon, ang pagla­­la­m­­­­­paso naman ng sahig sa kitchen. Inaalagaan niya ng lampaso ang kitchen para hindi magbakat sa tiles ang mantika. Ayaw niyang may mapansin si Mam na dumi sa kitchen. Minsan ay ito ang nagluluto ng kanyang breakfast.

Natapos niyang linisin ang lahat pasado alas dose ng tanghali. Kumakalam na ang sikmura niya. Nagugutom na siya. Maaari naman siyang kumain dahil may pagkain nang nakahanda. Ipai­init na lang sa microwave.

Pero bago kumain, sinilip muna niya sina Mam Dulce at Bogs sa salas. Dahan-dahan siyang nagtungo sa salas. Nagkubli siya sa haligi. Nakita niya ang dalawa na enjoy na enjoy sa pag-uusap. Tawa nang tawa si Mam sa mga sinasabi ni Bogs.

(Itutuloy)

 

DULCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with