“BAKA pagnalasing ka, malimutan mo ang pangako sa akin,” sabi ni Jam makaraang ibaba ang bote ng imported na alak sa center table. “Kung gawin mo na kaya ngayon, Jose?’’
“Mamaya na. Uminom muna tayo.’’
Pumayag si Jam.
“Teka at kukuha ako ng baso at yelo.’’
“Sige. Nauuhaw na nga ako eh.’’
“Sa akin uhaw ka na rin, he-he!’’
“Oo. Mamaya kita haharapin.’’
Nagtawa si Jam. Pagkaraa’y nagtungo na sa kitchen si Jam para kumuha ng baso at yelo.
Habang nasa kitchen si Jam ay nag-iisip si Jose ng mga susunod na gagawin. Patuloy siyang makikipaglaro kay Jam. Paniniwalain niya ito na may gusto na rin siya at gusto nang makipagtalik. Pero ang lahat nang iyon ay drama lamang. Hindi niya ito magagawang patulan. Ang lahat nang gagawin niya ay pawang pagkukunwari.
Lalasingin niya si Jam at kapag lasing na lasing na ito, saka niya iiwan. Ito na ang huling pakikipag-usap niya kay Jam. Ayaw na rin niya itong makita.
“O eto nang baso. Magsalin ka na Jose.’’
Nagsalin si Jose. Naupo sa tabi niya si Jam.
Dinampot niya ang isang kopita at iniabot kay Jam. Ang isa pa ay dinampot.
“Cheers,” sabi ni Jose.
“Cheers!” sabi ni Jam.
Sabay silang uminom. Sabay ding ibinaba. Ubos.
Sinalinan uli ni Jose ang dalawang kopita. Uminom agad si Jam. Talagang malakas sa alak si Jam.
Maya-maya pa, lasing na agad si Jam.
“Halikam moh nah akoh. Joey Boy. Di bah sabi moh kaninah,” sabi nito at saka tumayo para kumalong kay Jose.
(Itutuloy)