^

True Confessions

Black Widow (106)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATIGILAN si Marie nang matapos ang usapan nila ni Jam. Nag-OT pala si Jam at nag-OT din si Jose. Sa himig ng pananalita ni Jam ay masayang-masaya ito. Wala nang mababakas na problema sa kaibigan.

Pero nagmalisya na ang isipan ni Marie. Ayaw niyang pag-isipan nang masama ang kaibigan. Hindi nararapat sapagkat matalik niya itong ka­ibigan. Pero hindi niya maiwasang isi­pin na baka may gusto si Jam kay Jose. Sa kilos ni Jam parang inaakit niya si Jose.

Naalala ni Marie­ nang mag-outing sila sa Pinamalayan Beach. Halatang nilalandi ni Jam si Jose. Hindi lamang niya pinapansin sapagkat baka ganun lang talaga ang ugali ni Jam. Malambing at malapit ito sa mga la­laki. Baka naman nagkakamali lang siya sa hinala. At saka bakit ba siya problematic tungkol dun e di ba’t sabi niya kay Jose ay wala na siyang balak mag-asawa dahil na­mamatay nga ang la­laking nagkakaroon ng relasyon sa kanya.

Napabuntunghini­nga si Marie. Nagpasya siya na huwag nang sabihin kay Jam ang tungkol sa iniluluhog ni Jose. Sasarilinin na lamang niya. Baka mag­karoon lamang ng problema sa kanilang dalawa.

Hindi na naman nakatulog ng gabing iyon si Marie. Naisip niya, mukhang ang pag­­pasok ni Jose sa kanyang buhay ay mag­­dudulot nang hindi maganda. Mabuti nga yata ay huwag na siyang makipag­lapit kay Jose para iwas gulo.

 

ISANG araw, nakatanggap ng tawag si Marie mula kay Jam. May ibinabalita ito.

“Ipagsasama ko si Jose sa Baguio. May seminar ako ng tatlong araw. Puwede kaya siya?’’

Hindi makasagot si Marie. Bakit kaya niya isasama si Jose?

(Itutuloy)

 

ACIRC

ANG

AYAW

BAKIT

JAM

JOSE

MARIE

NIYA

PERO

PINAMALAYAN BEACH

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with