Black Widow (96)

“PURO ka biro, Jose,” sabi ni Marie na hindi makatingin nang deretso kay Jose. Nakatayo sila habang nag-uusap.

“Hindi ako nagbibiro, ma­ganda ka naman talaga.’’

“Kahit black widow?’’

“Oo. Ikaw ang pinakamagandang black widow.’’

Kinurot ni Marie sa braso si Jose.

“Tigilan mo nga ako.’’

“Wala ka naman sigurong kamandag, ha-ha-ha”

“Uy lahat nang black widow ay makamandag.’’

“Kagatin mo kaya ako para malaman.’’

Kinurot uli ni Marie sa braso.

“Baka rabies ang makuha mo!’’

Napahagikgik si Jose.

“Oo nga ano baka rabies ang makuha ko kapag kinagat mo ako, ha-ha-ha!

Nagtawa rin si Marie.

Maya-maya, nakita nilang papara­ting na sina Pau at Iya. Halos magkasingtaas na ang dalawa. Pawang dalagita na at parehong maganda ang dalawa. Magkaibigan na talaga sila.

Nang makalapit ang da­lawang dalagita kina Marie at Jose ay parehong humalik sa kanila.

“Halikayo, kumain tayo. Akong taya,” sabi ni Jose.

“Birthday mo?’’ Tanong ni Marie.

“Na-promote ako.’’ “Wow congrats.’’

“At hindi na rin tayo magdidyip o magtataksi dahil may new car na ako.’’

“Wow congrats uli Jose.’’

“Thanks. Tayo na!’’

Tinungo nila ang kinapaparadahan ng kotse.

(Itutuloy)

Show comments