^

True Confessions

Black Widow (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AKO na’ng bahala sa food, Jam,” sabi ni Marie. “Pa-birthday ko sa’yo.’’

“Ikaw talaga, Marie. Ako ang nagyaya tapos ikaw ang maghahanda.’’

“Hayaan mo na. Para ano pa at naging magkaibigan tayo. At isa pa para malimutan mo sandali ang problema.’’

Napahinga nang malalim si Jam.

Maya-maya ay nakangiti na.

“Huwag mong kalimutang kumbidahin si Jose.’’

“Oo. Bukas kapag nagkita kami sa school, sasabihin ko.’’

“Lagi ba kayong nagkikita ni Jose?’’

“Oo. Kasi’y pareho kaming sumusundo sa school – ako kay Pau at siya sa anak niya.’’

“Ano ang anak ni­ya?’’

“Babae. Di ba nasabi ko na sa’yo.’’

“Nakalimutan ko na. Araw-araw kayong nagkikita at nag-uusap ni Jose?’’

“Oo naman.’’

“Anong pinag-uusapan n’yo?’’

“Marami.’’

“Sabihin mo kay Jose, huwag na niya akong regaluhan, he-he!’’

“Sasabihin ko nga ‘yun, sige ka.’’

“Uy joke lang gaga.’’

“Tayong tatlo lang magseselebreyt?”’

“E sino pa ba e ta-yong tatlo lang naman ang magkaibigan.’’

“Nasaan ang mga kapatid mo?’’

“Wala na akong ka-patid. Ulila na ako.’’

Napatango na lang si Marie.

“Sige sa Linggo, darating kami. Magdadala ako ng paborito mong putahe.’’

“Sige hintayin ko kayo.”

 

LINGGO. Maaga pa ay dumating na sina Marie at Jose. Dala ni Marie ang pagkain --- pawang seafoods. May bitbit din si Jose. May regalo pa sa box.

Marami ring niluto si Jam.

Nagkainan sila. Ma­sayang-masaya. Walang katapusan ang kuwentuhan.

Maya-maya, naglabas ng alak si Jam.

“Uminom tayo.”

Mulagat si Marie.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANO

ANONG

ARAW

BUKAS

DALA

HAYAAN

MARAMI

OO

SIGE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with