^

True Confessions

Black Widow(49)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT wala kang mommy, Iya?” Tanong ni Pau habang kumakain sila. Si Marie ay nakikinig lang sa usapan ng dalawang bata. Pinigil niya ang sarili na huwag suma­bad kahit na gusto niyang sumali at magtanong din kay Iya.

“Patay na ang mommy ko,” sagot ni Iya.

“A kaya pala ang daddy mo ang laging naghahatid at sumusundo sa’yo.’’

“Oo.’’

“Parehas pala tayo, Iya.’’

“Paanong parehas?”

“Kung ikaw ay walang mommy, ako naman walang papa.’’

“Namatay na rin?’’

“Oo.’’

“Kaya ang mama mo ang sumusundo sa’yo?’’

“Yup!’’

Ipinagpatuloy ng da­lawang bata ang pagkain.

Si Marie ay nakikiramdam at nakikinig lang. Tapos na siyang kumain. Ngayon ay hindi na siya magtatanong kung bakit ang daddy ni Iya ang laging sumusundo dito. Biyudo na pala ang daddy nito. Magkatulad pala sila na namatay na ang asawa. Pero siguro, mayroon na itong ibang nililigawan. Ang lalaki raw kapag nabiyudo ay sandali lang nagdadalamhati sapagkat mabilis makakita ng bagong mamahalin. Hindi katulad ng babae na matagal bago makakita ng bagong mamahalin pagkatapos mabiyuda at karamihan nga ay hindi na nag-aasawa.

Lihim na napangiti si Marie, akalain ba niyang biyudo rin pala ang lalaking iyon at sa tantiya niya ay magka­sing-age sila.

Ang hindi lamang siguro nila ipagkaka­tulad ay ang katotoha­nang tatlo na ang na­ging asawa niya.

“Tayo na Mama, ihatid na natin si Iya,’’ sabi ni Pau.

“Tapos na ba ka­yong kumain?’’

“Opo.’’

“Ikaw Iya?’’

“Tapos na rin po.’’

“Okey tayo na.’’

Sumakay na sila ng dyip at sa pamamagitan ni Iya na nagturo sa kanilang tirahan, nakarating sila.

Malaki at bago ang bahay nina Iya.

Pagdating ay agad tinawag ang daddy nito.

Lumabas ang daddy­ niya. Gulat na gulat ito. Hindi inaasahan ang pagdating nila.

“Galing na ako sa school at may nakapagsabi sa akin na isinama ka raw ng mag-ina. Kayo pala iyon. Salamat nang marami. Nagkaroon kasi ng problema kanina kaya naatrasado ako sa pagsundo.’’

“Pinakain nila ako Daddy,’’ sabi ni Iya.

“Naku, nang-abala ka pa pala,” sabi nito sa anak at muling tu­mi­ngin kay Marie at Pau. “Salamat uli sa inyo.’’

“Okey lang yun.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BIYUDO

DADDY

IKAW IYA

IYA

OO

PALA

SHY

SI MARIE

TAPOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with