^

True Confessions

Black Widow (23)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAG-ISIP-ISIP ka nga, Jam, hindi pa naman katapusan ng mundo para isipin mong mamatay na,” sabi ni Marie sa kaibigan sa tonong may bigat at seryoso.

Nanatiling nakatingin sa kawalan si Jam. Basambasa ang mga mata sa luha.

‘‘Paano ang dala­wa­ mong anak kapag namatay ka. Kawawa sila.’’

Napaiyak na muli si Jam.

‘‘Kapag namatay ka, ang dalawa mong anak ay ipipisan ng mister mong babaero sa kanyang kabit. Mamaltratuhin nito ang da­lawa mong anak. Aapihin. At walang magagawa ang asawa mo dahil kakaya-kayanin siya ng kanyang kabit.’’

Tumigil sa pagnguyngoy si Jam. Nag-isip. Mukhang epeketibo ang sinabi ni Marie sa kaibigan.

Dinagdagan pa niya ang pananakot dito.

“Kapag namatay ka, lahat nang mga naipundar mo sa bahay na ito, ang kabit lamang ng mister mo ang makiki­nabang. Siya lamang ang magpapasasa sa halip na ang mga anak mo. Lahat nang mga magaganda mong gamit ay baka mapunta sa walanghiyang kabit at siyempre walang masasabi ang iyong asawa dahil ulol na ulol sa babae.’’

Tuluyan nang tumigil si Jam. Mukhang naniwala at nagkaroon nang pag-asa. Kung kanina ay pawang dilim ang nakita, mukhang nakakita ng liwanag.

‘‘Ano Jam, napag-isip-isip mo na kung ano ang mangyayari kapag namatay ka gaya ng wish mo?’’

Napatango si Jam.

‘‘Gusto mo pang ma­matay ngayon?’’

Umiling.

“Kung ganun, ayusin mo ang sarili mo at mag-isip ka kung paano uusad. Kung iniwan ka na ng mister mo, e di wow! Hayaan mo na. Iniwan ka na pala e. Bumangon ka para sa mga anak mo.’’

“Masakit pa kasi ang loob ko, Marie. Sabi ko nga sa’yo mas okey pang namatay ang hayup kong asawa kaysa naman ganito na buhay nga pero nasa kandungan ng babae. Minsan, gusto kong sugu­rin ang babae sa office nila at sabunutan. Kakalbuhin ko.’’

“Huwag. Ikaw pa ang maaakusahang masama dahil nag-create ka ng gulo. Mas mabuti pa kung tanggapin mo nang maluwag. Abalahin mo ang sarili sa pagtatrabaho. Pumasok ka na dahil mara­ming ipagagawa si Bossing.’’

“Kung gantihan ko kaya ang hayop kong asawa? Magpagalaw kaya ako sa ibang lalaki? Ano kayang pakiramdam niya ?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AAPIHIN

ABALAHIN

ACIRC

ANG

ANO

ANO JAM

JAM

KAPAG

KUNG

MUKHANG

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with