Kastilaloy (166)

“OO, Gina, pangako,” sabi ni Geof at parang hayok na hinalikan sa labi ang maid. Tinagalan ang paghalik. Mainit na mainit siya. Sabik na sabik. Mula nang malulong si Mama Julia sa alak ay hindi na naging maayos sa sarili. Laging nagmumukmok. Wala na kasing pera. Balak na nga niyang iwan at itong si Gina ang gusto niyang maging asawa. Sariwang-sariwa si Gina at sigurado siyang birhen pa.

“Umm, ambango mo Gina!” Sabi niya at mu-ling idiniin ang labi sa maninipis na labi ni Gina na halatang noon lang nahalikan.

“Tama na Kuya!”

Napilitang bumitiw ang labi ni Geof sa labi ni Gina.

“O magsiyota na talaga tayo, Gina. Nahali-kan na kita eh.’’

“Umalis ka na Kuya at baka biglang duma-ting si Ate Carmina ay abutan ka. Baka mawa-lan ako ng trabaho!”

“O e ano? Kapag naman nakuha natin ang mga alahas ni Kastilaloy ay lalayas ka rin dito. Baka mas mayaman ka kaysa amo mo.’’

“’Yung pangako mo sa akin, Kuya baka malimutan mo.’’

“Oo. Hindi ko nalilimutan yun,” sabi at sinul­yapan ang dakong dibdib ni Gina. Halata ang mayayamang dibdib ni Gina. May iniisip si Geof pero sa sunod na niya gagawin iyon kay Gina. Kung ngayon niya gagawin ay baka pumalag na. Siguradong siya rin ang “first” sa dibdib ni Gina.

“Sige aalis na ako Gina. Magsiyota na tayo ha?’’

Hindi umimik si Gina. Parang tulala. Siguro’y nabig­la sa ginawang paglips-to-lips ni Geof.

Lumabas na si Geof. Nang makalabas sa gate ay saka lamang tila nagkawisyo si Gina at tinungo ang gate at isi­nara.

Nang makapasok sa bahay ay ninamnam niya ang halik ni Geof. Magsiyota na raw sila.

DUMATING sina Gaude at Garet sa bahay ni Carmina. May ibinulong si Garet kay Carmina. Tungkol sa CCTV.

“Ah oo, sige. Rebyuhin natin ang kuha.’’

Inutusan ni Carmina si Gina na bumili ng gamot sa botika para hindi makita ang kanilang gagawin.

Agad nilang nirebyu.

Shock sila sa nakita.

(Itutuloy)

Show comments