Kastilaloy (159)

NANG lumapit si Garet kay Gaude ay biglang umalis si Gina. Ang ginawang iyon ni Gina ay lalong nagdulot nang pagtataka kay Garet. Lalong lumaki ang kanyang pagdududa sa maid ni Tita Carmina.

Nilapitan niya si Gaude.

“Anong tinanong  sa’yo ni Gina, Gaude?’’

“Marami siyang tinanong sa akin. Nagtataka ako Garet kung bakit niya ako tinanong kung saan nakatira at kung sino raw ang kasama ko sa bahay.’’

Naupo si Garet sa  tabi ni Gaude.

“Ano pang tinanong?’’

“Gaano na raw ako katagal nakatira sa bahay at kung ano raw ang trabaho ko.”

“Nakakapagtaka nga. Bakit kaya tinanong sa’yo?’’

“Hindi ko nga maisip kung bakit niya ako tinanong. Biglang lumapit sa akin at para bang at home na at home.’’

“Talagang nagdududa na ako Gaude. May misteryong nangyayari sa maid ni Tita Carmina.’’

“Baka naman tala-gang mapagtanong lang si Gina.’’

“Pero hindi ka naman niya ka-closed di ba?’’

“Oo nga.’’

“Kung closed kayo, walang problema dahil parang magkaibigan pero hindi ka naman laging narito, ngayon ka lang naging madalas dahil nga wal si Tita.’’

“Ano ang kutob mo?’’

“Wala pa naman pero iba ang naiisip ko. Parang may kaugnayan  dito ang mama ko.’’

“Paanong may kaugnayan?’’

“Di ba nabanggit ko sa’yo ang kuwintas na laging suot ni Gina?’’

“Oo. Ano ang koneksiyon dun?’’

“Baka ang kinakasama ni Mama at si Gina ay magkakilala.’’

“’Yung ka-live-in ng mama mo ang tinutukoy mo?’’

“Oo, si Geof. Baka siya ang nasa likod ng mga nangyayari kay Gina.’’

Napatango si Gaude.

“Puwedeng mangyari ‘yun. Pero ano ang motibo?’’

“’Yan ang gusto kong matuklasan, Gaude? Tulungan mo akong malaman ito.”

Nag-isip si Gaude.

Maya-maya may binulong kay Garet.

“Hindi kaya dahil sa alahas ni Kastilaloy?”

(Itutuloy)

Show comments