Kastilaloy (25)

“SAAN ka pupunta ‘Ma?’’ hindi na nakatiis na tanong ni Garet sa kanyang mama.


“Ha, a e nag­balikbayan ang classmate ko noong high school at magkikita kami. Matagal na ka­ming hindi nagkikita. Baka gabihin ako. Huwag mo na akong hintayin.’’

Pinilit unawain ni Garet ang kanyang mama. Baka nga nalulungkot pa ito dahil sa pagkamatay ng kanyang papa.

“Ingat ka Ma sa pagmamaneho. Maraming naaaksidente.’’

“Thanks. Lagi naman akong nag-iingat.’’

“Saan ba yung pupuntahan mo?”

“Project 6. Malapit sa SM.”

“Mabuting alam ko ang kinaroroonan mo.’’

“Huwag kang mag-worry at kaya kong i-manage ang sarili ko. Gusto ko lang magli-bang. Nalilimutan ko ang pagkamatay ng papa mo kapag nakaka-bonding ko ang mga friends ko.’’

“Okey.’’

“Huwag mo na akong hintayin at may susi naman ako.’’

Tumango si Garet.

Tumalikod na ang kanyang mama.

Pero may naalala ito. Humarap muli.

“Siyanga pala anong nangyari sa pag­hahanap mo sa asawa at anak ni Tiyo Dionisio? Itinuloy mo rin ba ang paghanap sa mga ito sa Blumentritt?”

Tumango si Garet.

“Nakita mo ang mag-ina?’’

“Patay na po ang asawa ni Lolo Dionisio – si Amparo. Ang anak na lang po ang nakausap ko.’’

“Si Carmina?”

“Opo.’’

Natigilan ang mama ni Garet.

Nang magsalita ay tila naninimbang.

“Anong napag-usapan n’yo?’’

Hindi sinabi ni Garet.

“Kumustahan lang. Ganun lang.’’

Nag-isip ang mama niya.

“Sige, aalis na ako.’’

“Ingat ka ‘Ma.”

(Itutuloy)

Show comments