^

True Confessions

Kastilaloy (5)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY ang ma­­ma ni Garet sa pag­kukuwento ukol sa ti­yuhin na si Dionisio Polavieja.

‘‘Nang makita ko si Tiyo Dionisio na pinaliligaya ang sarili sa banyo, nagpasya na akong sabihin iyon kay Papa. Kahit na ano pa ang mangyari – kahit na magalit si Papa at kung ano ang magawa kay Tiyo, wala na akong pakialam. Kaysa naman may mangyari nang hindi maganda sa akin. Baka ako na ang sunod na pagparausan ng aking tiyo…’’

“Sinumbong mo Ma­ma?’’

“Nang gabing iyon, tinungo ko si Papa sa kuwarto niya. Nagulat si Papa nang kumatok ako at pumasok. Hindi inaasahan ang pagpunta ko. Bakit daw parang problemado ako. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Sinabi ko ang ginagawang paninilip sa akin ng kapatid niya at ang pagpapaligaya nito sa sarili kahit na nakikita ko. Sabi ko, baka ako ang sunod na pagparausan ng kapatid niya.

“Sa pagkabigla ko, biglang sinugod ni Papa ang kuwarto ni Tiyo Dionisio sa ground floor. Punyeta! Narinig kong sabi niya. Kinabahan ako na baka may gawin si Papa sa kapatid. Nagsisigaw na ako para pigilan si Papa. Sinundan ko ito sa ground floor. Tinungo nito ang room ni Tiyo Dionisio. Hindi katok ang ginamit para buksan ang pinto. Sinipa niya nang buong lakas ang pinto ng kuwarto. Nabuksan!

“Saka tinawag ang pangalan ng kapatid. Dionisio! Dionisio! Malakas! Pero walang sumagot. Muling inulit ang tawag. Walang sagot! Naghintay pa si Papa at baka nakakubli lang sa cabinet. Pero wala talaga. Wala nang tao sa room.

“Tiningnan ni Papa ang cabinet ng damit. Wala nang laman. May nakadikit na sulat sa loob ng cabinet. Binasa niya. Napailing-iling si Papa. Nang tanungin ko si Papa, sinabing umalis na raw si Tiyo Dionisio. Ganun lang. Wala nang iba pa. Saka tinago agad ang sulat. Parang may ayaw akong malaman dun.

‘‘Mula noon hindi na nagpakita si Tiyo Dionisio. Pinahanap ni Papa, pero wala talaga. Kung saan-saan hinanap pero bigo. Sabi ni Papa, naaawa raw siya sa kapatid kaya gustong makita. Tapos sabi sa akin, pagpasensiyahan ko na lang daw. Ano pa ang magagawa ko? Pero mabuti na ngang nawala sa bahay si Tiyo. Delikado na ako.’’

‘‘Ano kayang dahilan at gustong makita ni Lolo Fernando ang kapatid, Mama?’’

“Hindi ko alam. Ma­buti nga at hindi nakita. Hanggang sa mamatay si Papa hindi na sila nagkita. Wala ngang nakaalam sa kinaroroonan ni Tiyo.’’

‘‘Ako pala ang makakahanap sa kanya. Yun nga lang nakalibing na.’’

“Sabi ko nga sa’yo ba’t pag-aaksayahan mo pa ng oras. Maraming ginawa sa aking palso yun.’’

Hindi na nagsalitya si Garet.

ISANG araw, naisipang dalawin ni Garet ang libingan ni Dionisio Polavieja.

Nagulat siya nang mabasa ang nakasulat sa lapida. KASTILALOY.

(Itutuloy)

AKO

DIONISIO

DIONISIO POLAVIEJA

NANG

PAPA

TIYO

TIYO DIONISIO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with