^

True Confessions

Sinsilyo (253)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAALALA ni Mau, minsan ay may si­nabi si Tatang

Dune o Kastilaloy sa kanya ilang araw mula nang kupkupin ito. Nabanggit na mayroon daw itong anak pero hindi nito makasundo. Nagpa-labuy-laboy na lang. Hindi naman naita­nong ni Mau kung babae o lalaki ang anak. Kasi’y parang ayaw ding magsalita ukol dun si Kastilaloy.

“Hindi po kaya nasa Spain ang mga kamag-anak ni Kastilaloy, Tito?” tanong ni Gaude.

“Dun galing ang lahi niya siguro. Kasi’y kitang-kita naman sa itsura na lahing Kastila. Ang mahirap ay hindi natin alam kung nasan ang kamag-anakan niya rito sa Maynila. Maganda sanang makita sila para malaman ang buong istor­ya ng buhay niya.’’

“I-try kong hana­pin, Tito Mau.”

“Paano?”

“I-post ko sa Facebook. Baka sakali may makakilala.’’

“Sige. Puwede. Pero bago mo i-post, kailangang makita natin ang remains niya. Di ba sabi mo Tatang Kandoy nasa punerarya ang bang­kay?”’

“Oo. Nakita ko nang dalhin ang sunog na katawan.’’

“Hanapin n’yo Ta­tang Kandoy at ma­bigyan ng desenteng libing. Ang gagastusin natin ay ang mga iti­nago niyang barya.’’

“Oo Mau. Pupuntahan ko ang pune-rarya.’’

“Kahit na masama ang ginawa niya sa akin, kinalimutan ko na ‘yun. Mahirap ang may kinikimkim. Maikli ang buhay kaya dapat gawin na
ang pagpapatawad.’’

(Itutuloy)

FACEBOOK

HANAPIN

ITUTULOY

KASI

KASTILALOY

OO MAU

SHY

TATANG KANDOY

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with