^

True Confessions

Sinsilyo (252)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIGE, alisin n’yo ang mga barya sa baul at bilangin,” sabi ni Mau. “Pa-lagay ko, ang mga baryang ‘yan ay ninakaw ni Tatang Dune o ni Kastilaloy. Kinupit niya at saka itinago. Kaya pala nang tumagal e pakonti ng pakonti ang tambak ng barya.’’

“Tama ka Mau, kasi nang nagre-remit kami ng mga napagpalimusang barya sa kanya, parang ayaw niyang ipakita ang bunton ng mga barya,’’ sabi ni Tata Kandoy.

“Akala siguro ay matatangay niya ang baul kung sakali at sila ni Lyka ang magsama ano?” Sabi pa ni Mau.

“Oo nga Mau. Ganun nga ang plano nila. Pero mas marami ring nanakaw si Lyka at naideposito sa banko,” sabi ni Tata Kandoy, at tumingin kay Gaude. “Di ba Gaude? Di ba ma­raming naideposito si Lyka at ikaw pa ang nagbilang ng mga barya?’’

Tumango si Gaude.

“Dalawa pala silang nagpasasa sa mga barya na pinaghirapan ng mga matatanda --- kayo Tata Kandoy.’’

“Oo nga Mau. Hirap na hirap kami sa pamamalimos pero nanakawin lang pala. Mabuti na lang at hindi natangay ni Kas-tilaloy. At mabuti rin at hindi ito nasunog ano?’’

“Kasi’y makapal ang baul at malalim din naman ang pagkakabaon kaya hindi naapektuhan nang masunog ang bahay,’’ sani ni Mau.

“Antique nga kasi ano.’’

“Sige bilangin n’yo na ang mga barya para malaman kung magkano iyan.’’

Sinimulang alisin nina Gaude ang mga barya sa baul. Inilagay nila sa malaking lalagyan para bilangin ang mga ‘yun. Napuno ang mga lalagyan.

Nang nasa dakong ilalim na ang pagkuha sa mga barya, may napansin si Gaude sa dinadakot. Matigas. Hindi bilog.

Nang tingnan niya kung ano ang nadakot, nagulat siya! Mga alahas! Mga sinaunang alahas iyon na kinabibilangan ng mga kuwintas, singsing, hikaw, pulseras at kung anu-ano pang mga alahas. May mga kuwintas na perlas din doon na parang panahon pa ng Kastila ang estilo ng pagkakagawa. Parang mga sinusuot ng mga donya at senyorita o mga ilustrada sa lipunan.

“Ang daming alahas nito Tito Mau! Anong gagawin natin dito?’’

Hindi makasagot si Mau. Paano nga ba? Malaking halaga ang mga alahas kung maibebenta dahil mga sinauna pa ang mga iyon. Pero paano kaya nagkaroon ng ganoong karaming alahas si Kas­tilaloy.  (Itutuloy)

BARYA

LYKA

MAU

NANG

OO

PERO

TATA KANDOY

TATANG DUNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with