“NAPAKALAKI nito para sa atin, Mau,” sabi ni Tata Kandoy na humahanga sa magandang pagkakagawa sa bahay.
“Marami tayong titira rito, Tata Kandoy.”
“Talaga, ‘kala ko tayo lang? Sino pa ang iba?”
“Aba e di ang iba pang matatanda – si Tatang Ciano, Amboy, Indo, Jose, Anyo at iba. Siyempre kasama natin sila sa hirap noon at kasama rin sa ginhawa ngayon.’’
“Aba e di okey, ang saya-saya natin dito.’’
“Kaya ko nga ipinagawang apat na palapag ito para magkasya ang mga matatanda. Dito sa ground floor ang mga matatanda para hindi na sila mahihirapang umakyat at bumaba. May malaking mess hall dito sa ground floor para maayos ang pagkain nila. May sariling banyo ang bawat kuwarto.’’
“E ako Mau, saan ang kuwarto ko?” tanong ni Tata Kandoy.
“Dito ka rin sa ground floor pero espesyal ang room mo. Malaki kaysa iba. Siyempre ikaw ang bida di ba?’’
“Okey lang kahit na maliit ang kuwarto ko, Mau. Para pare-parehas kami ng mga matatanda.’’
“Hindi Tata Kandoy! Ako ang may gusto niyon. Gusto ko espesyal ang kuwarto mo.’’
“E saan naman sina Gaude at tatay niyang si Enchong?”
“Sa second floor naman kami. Okey ba sa inyo, Gaude, Insan?’’
“Opo Tito Mau.”
“Ikaw Insan, parang tahimik ka?”
“Dito ba talaga ako titira Pinsan?”
“Aba oo naman! Kaya nga kita pinasundo sa probinsiya e.’’
“Hindi ba nakakahiya, Pinsan kasi…’’
“Huwag ka nang tumutol, Enchong at magagalit ako sa’yo. Basta pirmi ka lang dito.’’
“Kasi’y iniisip ko rin ang bukid kong sinasaka sa probinsiya. Sinong magtatanim ng palay dun. Medyo maganda rin ang ani ng bukid Pinsan.’’
“Walang problema. Humanap ka ng bubukid para hindi masayang tapos bibisitahin natin buwan-buwan. Okey ba?’’
“Sige Pinsan. Napakabuti mo.’’
“Gusto kong makaba-yad kay Gaude sa mga nagawa kong kabulastugan sa kanya. Masyado akong naging malupit sa kanya. At saka isa pa Pinsan, dapat medyo magrelaks ka na sa buhay. Mahirap magbukid. Magpahinga ka na. Lalo pa ngayon at magiging teacher na si Gaude.’’
“Tama ka Pinsan.’’
May sinabi naman si Tata Kandoy kay Mau: “Teka nga pala, Mau, kung kayo nina Gaude ay sa second floor, sino ang titira sa third at fourth floor?’’
“Aba e pauupahan natin sa mga student na poor. Yung mura lang ang upa. Maraming uupa d’yan dahil malapit tayo sa mga uni-bersidad.’’
“Aprub!”
ISANG buwan na silang nakatira sa bagong bahay nang may mapansin sina Gaude sa isa sa mga kuwarto sa ground floor. Lumubog ang bahagi ng flooring. Kuwadrado ang bahaging lumubog! (Itutuloy)