^

True Confessions

Sinsilyo (238)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI pa po puwedeng kausapin si Tito Mau, Lolo Kandoy,” sabi ni Gaude habang patungo sa room na kinaroroonan ni Mau.

“Oo nga. Pero malinaw naman ang pandinig niya. Sasabihin natin ang mga nangyari ukol sa mahal niyang si Lyka.’’

“Wala pa po ba siyang nalalaman ukol kay Lyka?’’

“Wala pa. Ang alam lang niya ay narito ka na. At di ba’t kinausap mo na nga siya noong isang araw.’’

“Opo. Alam po niya na kaya ako narito ay para siya alagaan. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang ulo nang sabihin kong aala­gaan ko siya. Palagay ko po natuwa siya sa sinabi ko.’’

“Palagay ko nga. Sa kalagayan niya ngayon na walang ibang tu­tulong kundi tayo, matutuwa talaga siya.’’

“Siguro po nagtataka si Tito Mau kung bakit bigla siyang inilipat kahapon sa ibang room.’’

“Oo nga. Hindi niya alam, may operasyon ang pulis laban sa kanyang mahal na asawa.’’

“Hindi po kaya ma­bigla si Tito Mau kapag nalamang si Lyka ang sumunog sa kanyang bahay at ang motibo ay para siya patayin.’’

“Baka mabigla yun pero siguro makakare­kober agad. Kasi’y mas masakit ang hatid ng mga paso sa kanyang katawan na kaga­gawan ni Lyka. Baka nga matuwa pa at nahuli na ang babaing minsan ay minahal niya.’’

Nakarating sila sa third floor na kinaroroonan ni Mau. Malapit sa chapel ng ospital ang room ni Mau.

Itinulak ni Lolo Kandoy ang pinto ng kuwarto. Sabi ng doctor, maaari nang kausapin ang pasyente pero sa maikling oras lamang. Hindi pa ubrang mahaba ang dalaw.

Gising si Mau nang dumating sila. Wala nang benda ang tapat ng kanang mata.

Natuwa si Mau nang makita sina Lolo Kandoy at Gaude. Gumalaw ang ulo.

Hindi na nag-ak­saya ng panahon si Lolo Kandoy. Sinabi ang mga nangyari.

“Mau, ipaaalam ko sa’yo na si Lyka ang sumunog sa bahay mo. Nahuli na siya kanina mismo sa loob ng dati mong room. Isang pulis ang nagkunwari na ikaw. Nagdamit nurse pa si Lyka para makapasok sa room. Papatayin ka sana ni Lyka. Siguro nabalitaan niyang nakaligtas ka. Si Gaude ang nakakita kay Lyka nang una itong magtungo rito sa ospital. Natunugan si Lyka na mayroon itong masamang balak kaya isinuplong sa pulis... utang mo kay Gaude ang lahat, Mau.’’

Napatangu-tango si Mau.

(Itutuloy)

LOLO KANDOY

LYKA

MAU

OO

PALAGAY

SI GAUDE

SIGURO

TITO MAU

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with