^

True Confessions

Sinsilyo (225)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NASA covered court ng barangay ang mga taong nasunugan at doon nakita ni Gaude ang mga matatanda. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag! Narito pala ang mga matatanda. Nakita niya sina Lolo Amboy, Ciano, Indo at ang dalawa pang matanda. Pero wala si Lolo Kandoy!

“Lolo Amboy, kumusta po! Dito po pala kayo nagtungo.”

Tiningnan muna siya ni Lolo Amboy. Parang kinilala muna siya. Hinahagilap sa isip kung sino siya. Ang iba pang matanda ay nakatingin lamang at parang nag-iisip din.

“Ako po si Gaude, Lolo Amboy. Yun pong tumira sa inyo nun. Si Gaude po ako!”

Napangiti ang ma­tanda. Saka hinawakan siya sa braso.

“Si Gaude ka nga. Kumusta ka, Gaude?”

“Mabuti po, Lolo. Narito po pala kayo.”

“Oo narito kami lahat nang matanda. Dito kami dinala bago nangyari ang sunog.”

“E si Lolo Kandoy po nasaan? Bakit hindi po ninyo siya kasama? Nasaan po siya?”

Hindi makapagsalita si Lolo Amboy. Parang may ayaw sabihin.

“Nasaan po siya Lolo Amboy?” Tense ang boses ni Gaude.

Saka lamang napilitang magsalita si Lolo Amboy. Mahina ang pagkakasabi kay Gaude. Pabulong. “Nasa ospital siya, Gaude.”

“Nasa ospital po? Buhay siya?”

“Oo. Buhay!”

“Bakit po nasa ospital?”

“Nagbabantay siya kay Mau?”

Gulat na gulat si Gaude. Hindi maibuka ang bibig.

“Naroon siya Gaude. Sabi sa amin, dito lang kami sa covered court at kapag maayos na ang lagay ni Mau ay babalikan kami.’’

“Wala pong namatay na matanda, Lolo Amboy?”

“Meron.”

“Sino po?”

“Si Kastilaloy.’’

Hindi makapaniwala si Gaude. Bakit nagkaganoon? Sabi ni Lolo Kandoy, si Kastilaloy ang susunog sa bahay. Nabaliktad yata dahil si Kastilaloy ang nasunog.

“Paano po nasunog?”

“Nakulong daw sa kuwarto. Ikinandado ang pinto niya kaya hindi nakalabas!”

(Itutuloy)

AMBOY

BAKIT

BUHAY

GAUDE

LOLO

LOLO AMBOY

LOLO KANDOY

SI GAUDE

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with