Sinsilyo (203)
KINUHA ni Lyka ang kanang kamay ni Kastilaloy at ipinasok sa loob ng t-shirt niya. Ipinasapo ang kalamnan ng dibdib niya. Para namang natuka ng ahas si Kastilaloy sa nangyari. Mainit-init ang nadama niya.
Inalis din agad ni Lyka ang kamay ng matanda sa pagkakasapo sa dibdib. Patikim lang iyon kaya kailangang huwag ibabad at baka magsawa.
Wala pa ring kaimik-imik si Kastilaloy kahit nangyari na iyon. Ngayong nadama na niya ang hinahangad kay Lyka ay gusto niyang mauit uli iyon.
“Baka naman puwedeng isa pa?” sabi niya.
“Kapag nagawa mo na ang sinasabi ko.’’
“Kailangan ba ura-urada?’’
“Hindi naman. Ako ang magsasabi kung kailan.’’
“Talagang desidido ka na, Lyka na gumanti?”
“Oo Tatang.’’
“Hindi na magba-bago ang pasya mo.”
“Hindi na! Nakita no naman ang pasa sa likod ko. Masakit pa hanggang ngayon.’’
“Bakit ka naman sinasaktan ni Mau? Mabait yun ah.”
“Sira ang ulo niyon. ‘Kala mo lang mabait.’’
“Tingin ko matino.’’
“Tingin mo lang ‘yun.’’
“Paanong sira ang ulo?”
“Basta tinutopak yun, nananapak.’’
Napatangu-tango si Kastilaloy.
“Akala siguro niya, basta na lang mananahimik. Natiis ko ang pananakit niya pero ang pambababae niya e hindi ko na makakaya. Sobra na ang ginagawa niya.’’
“Hindi kaya sobrang lupit naman ang gagawin natin, Lyka?”
“Yun ang bagay sa kanya. Baka nga kulang pa ‘yun. Basta ganun ang gagawin natin.’’
“Sige. Basta ba ipapahipo mo uli ‘yan.’’
“Oo. Mahihipo mo uli. Huwag kang mag-alala.’’
“E kung higit pa roon, Lyka, puwede?’’
“Anong higit pa roon?”
“’Yung ano…”
Hindi masabi ng matanda. Ang ginawa ay itinuktok ang hintuturo sa kahoy na headboard ng kama.
“A yun ba? Sige. Basta gawin mo ang ipagagawa ko.’’
“Areglado! Sabihin mo lang kung kailan?”
“Sige.’’
“Lalabas na ako, Lyka. Siyanga pala, yung apat na sako ng barya sa akin na yun ha.’’
“Oo. Sa iyo na yun.’’
Lumabas si Kastilaloy na nakangiti. Masayang-masaya. Nararamdaman pa niya ang mainit-init na sinapo kanina. Masaya rin siya dahil nasolb ang tungkol sa “apat na sako ng barya”. Akala ni Lyka, tunay na barya ang mga nasa sako. Nagtawa si Kastilaloy.
Lingid kay Kastilaloy, may nakakita sa kanya habang palabas ng kuwarto ni Lyka. Walang iba kundi si Tatang Kandoy.
Nagtataka si Kandoy kung ano ang ginawa ni Kastilaloy sa room ni Lyka. Mayroon na namang hindi magandang nangyayari. Kaila-ngang malaman niya iyon.
(Itutuloy)
- Latest