HINDI kumikilos si Lyka. Magpapakipot pa siya kunwari kay Tatang Dune Kastilaloy. Hindi muna niya ipakikita ang hinihiling nito. Kailangang makasiguro siya na tutuparin ng matanda ang pinag-usapan nila.
“Ipakita mo na, Lyka. Sige na at baka bumalik ang mga sinberguenzang mga matatanda,’’ sabi ni Kastilaloy na hinahabol pa rin ang paghinga dahil marahil sa nangyari kanina.
“Okey ipakikita ko pero gusto kong maka-tiyak na tutupad ka sa kasunduan natin.’’
“Oo tutupad ako, sige na ipakita mo na ‘yan!’’
“Tandaan mo, walang malalaman si Mau ukol sa ginagawa ko kay Gaude at ang tungkol sa mga barya at ang mahalaga, dagdagan mo ang mga bar-yang yan. Kaunti ‘yan!’’
“Oo matutupad. Dadagdagan ko yan. Marami akong nakatago. Lahat ibibigay ko sa’yo.’’
“Marami kang nakatagong barya?’’
“Oo! Baka nasa limang sako na ang mga nakatago kong barya!’’
Nag-isip si Lyka. Marami rin pala siyang mahuhuthot sa matandang ito. Kailangang takawin pa niya. Hindi muna niya ipakikita lahat ang nasa loob ng tuwalya. Medya-medya lang muna. Gaano karami ang limang sakong barya. Baka milyon na yun. Magiging milyonarya siya na walang kahirap-hirap!
“Ano Lyka, ipasilip mo na ‘yan!’’
“’Yung pinag-usapan natin ha? Baka traidurin mo ako.’’
“Hindi ako traidor, malibog lang!’’
Napangiti si Lyka. Paglalaruan niya ang matandang ito. Uumpisahan na niya ngayon.
Dahan-dahang inalis ni Lyka ang pagkakasuksok ng dulo ng tuwalya sa dibdib. Hinawakan ang dulo. Tiningnan si Kastilaloy.
‘‘Tuparin mo ang pinag-usapan natin ha?’’
“Oo sige, ibuka mo na ‘yan.’’
Dahan-dahang ibinuka ni Lyka ang tuwalya. Sabik na sabik ang nakalarawan sa mukha ni Kastilaloy. Suspense na suspense siya. Mas maganda pala pagkaharap ang sisilipan. Nagsasawa na siya sa pagsilip sa butas sa banyo. Mas nakaka-atat pala kapag malapitan.
Ibinuka ni Lyka ang tuwalya. Pero style na pagpapatakaw. Ipinasilip niya ang puno ng dibdib. Hindi kumukurap si Kastilaloy.
Tapos ay dahan-dahang nilantad ang dibdib. Unti-unti. Parang nanonood ng slides. Tatakawin lang niya. Hindi niya ibubuhos lahat. (Itutuloy)