Sinsilyo (169)

BIGLANG naisara ni Lyka ang ibubukas na sanang tuwalya para ipasilip kay Kastilaloy. Kapwa sila nagulat sa katok.

Yamot na yamot si Kastilaloy. Masisilip na sana niya ang nasa loob ng tuwalya pero inabala ng mga katok.

“Sino kayang estupido ang kumaka- tok? Buwisit talaga!’’

Napangiti naman si Lyka sa nangyari. Hindi natuloy ang show niya. Bitin na bitin ang matanda. Akala siguro ay makakadyakpat na ito sa kanya. Pera na naging bato pa!

Bigla rin namang bumaba ang boses ng matanda.

“Huwag ka munang lalabas Lyka, baka si Mau ang kumakatok ay maghinala na may ginagawa tayo!”

Napangiti si Lyka.

“Hindi naman yun maniniwala, Tatang Dune dahil matanda ka na. Wala nang ibubuga, he-he!’’

“Bah, parang iniinsulto mo ako. Baka gusto mo akong subukan!”

Narinig muli nila ang katok.

“Sandali lang, pun­yeta!” sigaw ni Kastilaloy. “Lyka dun ka muna sa likod ng pinto! Baka kung sino na itong kumakatok, sige na!”

Sumunod si Lyka. Kumubli sa likod ng pinto.

Binuksan ni Kastilaloy ang pinto. Maliit lang at sinilip kung sino ang kumakatok.

Sina Lolo Kandoy pala at ilang matanda. Dala ang kani-kanilang mga lata na may lamang barya.

“O ano, mga buwisit, anong kailangan n’yo?” tanong ni Kastilaloy na halata pa rin ang pagkainis sa boses.

“Iiintrega namin itong mga lata na may barya,” sabi ni Lolo Kandoy.

“Ilagay n’yo na lang diyan, mga buwisit. Istorbo!”

“Hindi mo na ba ti-tingnan, Dune. Kasi’y medyo nadagdagan ang napagpalimu-san namin.’’

“Hindi na! Iwan n’yo na lang at umalis na kayo!”

“Pero kukuha pa kami ng mga bagong lata na lalagyan ng barya.”

“Saka na lang! Umalis na kayo mga tonto!”

“Magpapalimos kami mamayang hapon, Dune kaya kailangan namin ng lalagyan. Buksan mo ang pinto at kukuha kami ng lata sa loob!”

“Hindi puwede! Umalis na kayo!”

“Bakit ba ayaw mo kaming bigyan?” tanong ni Lolo Kandoy.

“Umalis na kayo mga estupido!”

Biglang isinara ni Kastilaloy ang pinto. Kumalabog. Humi-hingal ito dahil sa pakikipagtalo kina Lolo Kandoy.

Saka hinarap si Lyka na nakatayo sa may likod ng pinto.

“Sige na Lyka, ipakita mo na ‘yan. Umalis na ang mga tontong matanda. Sige na Lyka!” sabing hinahabol ang paghinga.

(Itutuloy)

 

Show comments