“SINO ang tinutukoy mong kasama ni Gaude at may ginagawa, Tatang Dune?” Mataas na ang boses ni Mau. Halatang galit na.
“Ha a e wala, Mau. Wala!” Sagot ni Dune Kastilaloy. Parang gustong bawiin ang sinabi.
“Mayroon kang sinabi, Tatang Dune na may ginagawa sila ni Gaude. Sino yun?”
“Wala. Kalimutanmo na yun!”
“Masama akong magalit, Tatang Dune. Alam mo kung paano ako magalit. Kaya para hindi ako magalit, sabihin mo na ang sinasabi mong kasama ni Gaude. Sino?”
Napilitan na si Kastilaloy na sabihin. Pero gumawa siya ng kuwento. Nagsinu-ngaling siya kay Mau.
“Pinapasok ni Gaude sa kuwarto si Lyka. Pinipilit si Lyka. May dalang kutsilyo si Gaude at tinatakot si Lyka.’’
Hindi makapagsa-lita si Mau sa narinig. Shock siya. Ang walanghiyang si Gaude at parang ahas na tinuklaw siya.
“Kaya walang nagawa si Lyka dahil may nakatutok na patalim. Mayroong nangyari sa kanila. Nakita ko ang lahat, Mau. Hindi ko naman matulungan si Ly-ka dahil baka ako ang saksakin ni Gaude.’’
“Ang hayup na yun!” Sabi ni Mau at naisuntok sa ha-ngin ang kanang kamay.
“Bukod dun, unti-unti nang nauubos ang mga barya. Laging nagdedeposito si Gaude. Maski tingnan mo ang mga barya sa kuwarto niya. Malaki na ang nabawas.’’
“Napakawalanghiya ng Gaude na iyon. Makikita niya.’’
Nagtatawa nang lihim si Kastilaloy. Tiyak na tatalsik na si Gaude. Baka bukas wala na ito.
“Sige Mau, nasabi ko na sa’yo ang lahat.’’
“Salamat, Tatang Dune.’’
“Huwag kang magagalit kay Lyka, biktima lang siya ni Gaude.”
“Opo, Tatang Dune. Salamat.’’
Umalis na ang matanda na lihim na nagtatawa.
Inabangan ni Mau si Gaude sa pagda-ting mula sa school.
Nang dumating ito, nakapuwesto si Mau sa may pinto. Nakakuyom ang kamao!
(Itutuloy)