Sinsilyo (145)
“SIGE, Gaude, ipagpatuloy mo na yang ginagawa mo at may gagawin pa kami ni Tita Lyka mo. Kasi pag-alis ko, medyo matagal na naman ang balik ko kaya babawi ako. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo at huwag masyadong seryoso, tatanda ka agad niyan. Tingnan mo ako, bata pang tingnan, he-he-he!” sabi ni Mau.
Nagsalita naman si Lyka. “Batang tingnan o batang isip?’’
“Aba huwag mo akong binibiro nang ganyan Lyka at baka hindi na kita lubayan! Halika na nga at nang makapagsimula na nang makarami. Naligo ka na ba?’’
“Hindi pa. Maliligo pa ako.’’
“Sabay na tayong maligo.’’
“Yun lang pala e. Halika na!”
“Hihiluran kita Lyka. Tapos sasabunin kita.’’
“Halika na. Puro ka dada diyan.’’
Hinila ni Lyka si Mau. Pero bago nagtungo sa banyo ang dalawa ay nilingon ni Mau si Gaude. “Sige Gaude, ayusin mo na yang ginagawa mo.’’
Tumango si Gaude.
Hinayang na hinayang siya sa pagkakataon. Sana naibulong niya kay Tito Mau ang ginagawa ni Lyka. Sana, tapos na ang problema. Pero natakot na naman siya dahil biglang lumapit si Lyka. Kung sinabi niya, narinig ni Lyka at baka kung ano ang ginawa sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Lyka kapag isinumbong niya. Ang banta ni Lyka, masama ang mangyayari sa kanya.
Pero may pagkakataon pa. Hindi pa naman aalis si Tito Mau. Bago ito umalis, sasabihin na niya ang ginagawa ni Lyka. Hahanap siya ng tiyempo na hindi malalaman ni Lyka.
Ipinagpatuloy ni Gaude ang ginagawa. Mamaya bago siya pumasok sa school susubukan niya.
Pero hindi na lumabas ng kuwarto sina Mau at Lyka. Pumasok si Gaude sa school.
Kinabukasan, naghintay siya ng tiyempo kung paano makakausap si Mau pero bigo uli siya. Hindi niya ito nakita. Lumabas yata kasama si Lyka.
HANGGANG sa maunahan siya ni Lolo Dune Kastilaloy sa pagsusumbong. Habang nasa school siya, inabangan ni Kastilaloy si Mau at isinumbong ang ginagawa ni Gaude.
“Niloloko ka ni Gaude, Mau. Imulat mo ang mga mata mo!”
“Anong niloloko Tatang Dune?”
“Mayroon silang ginagawa ni….’’
(Itutuloy)
- Latest